Bong Go sa mga korap sa BI: ‘Pastillas’ na kinotong, ipakakain sa inyo!
MANILA, Philippines — Binalaan ni Sen. Christopher “Bong” Go ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa “Pastillas scheme” na ipalalamon sa kanila ang mga “kinotong” na pera kapag hindi nagsitigil sa iligal na gawain.
Ayon sa senador, nakadidismaya ang mga sangkot at kasabwat sa anomalya sa BI kaya huwag na nilang hintayin na ipakain sa kanila ang “pastillas” o pera na kinotong sa mga dayuhan.
Ani Go, mismong si Pangulong Duterte ay lumong-lumo o sawang-sawa na sa talamak at systematic corruption sa gobyerno.
Tiniyak niya na kapag napatunayan kung sino ang may mga kasalanan, ‘yung anyong pastillas na pera mula sa iligal na gawain ay ipalulunok sa mga tiwali.
Ikinuwento niya na noong alkalde pa ang Pangulo sa Davao City, isang indibidwal na nagbebenta ng pekeng titulo ng lupa ang “pinakain” ng mga nasabing pekeng dokumento ng Presidente.
May isa ring nagpapanggap na kaanak ng Pangulo na nahuli mismo niya ang pinakain ng pera.
- Latest