‘Wala akong pinatay na tao’ – Duterte
MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon na siyang napatay na tao.
Hinamon pa ng Pa-ngulo ang lahat na magtanong kahit na sa sinong pulis sa Pilipinas kabilang na sina Interior Secretary Eduardo Año at Defense Secretary Delfin Lorenzana kung may ipinapatay na siyang tao.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag bilang pagtatanggol kay Health Secretary Franciso Duque III na nahaharap sa kung anu-anong akusasyon.
Ayon sa Pangulo, nabasa niya ang report tungkol sa isinagawang imbestigasyon at wala siyang makitang rason o ebidensiya para kasuhan ang isang inosenteng tao.
“I have read the findings and for the life of me I cannot really find a good reason to prosecute an innocent man. Mine is to not really prosecute just for the sake of being somebody being prosecuted. My job is to see to it that the rule of law --- the rules for or against a person --- are followed. At maraming sinasabi ‘rule of law, hindi ka naman sumusunod, marami kang pinapatay,’” ani Duterte.
Sinabi pa ni Duterte na marami siyang naririnig na paninira tungkol kay Duque pero bilang isang abogado, alam niya ang “probable cause” at “prima facie”.
- Latest