$20 bilyon investment sa Pinas inaasam
MANILA, Philippines — Sa gitna na rin ng gi-yera sa kalakalan, umaa-sa si 2nd District Albay Rep. Joey Salceda sa $20 bilyong pamumuhunan sa Pilipinas mula sa mga dayuhang kumpanya na pinalalayas sa China kaugnay ng lumalalang hidwaan sa negosyo ng nasabing bansa sa Estados Unidos.
Sinabi ni Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means na matutupad ito sa pamamagitan ng pursigidong pagsusulong ng mga tamang panuntunan at istratehiya ng bansa.
Aminado ang mambabatas na bagaman nagdudulot ng takot ang masalimuot na pandaigdigang kaguluhan ay nagbibigay din ito ng magandang pagkakataon sa mga bansang may matatag na sandigan ang ekonomiya tulad ng Pilipinas.
“Naniniwala akong kaya nating hangarin ang mga USD20-bilyong ‘foreign direct investments (FDI) pagkatapos ng krisis sa Covid. Sa ngayon, kayang-kaya natin ang USD10-bilyon. Hindi ako masaya sa makitid na pa-ngarap ng isang bansang mala-higante ang potensiyal,” pahayag ni Salceda, isang ekonomista at respetadong ‘equity analyst‘ sa Asya.
“Tayo ang may pinaka-batang ‘labor force’ sa ASEAN na lalo pang lumalaki. Mahusay magsalita ng Ingles at mahuhusay sa teknolohiya ang karamihan sa atin,“ sabi pa niya.
- Latest