^

Bansa

'Ows?': Duterte kinontra muli ang sarili, hindi raw talaga pumatay ng tao

James Relativo - Philstar.com
'Ows?': Duterte kinontra muli ang sarili, hindi raw talaga pumatay ng tao
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ika-5 ng Oktubre, 2020
Presidential Photos/Simeon Celi

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang beses na pagmamalaki ng pagpatay ng mga kriminal at suspek, nagbago ang ihip ng hangin para kay Pangulong Rodrigo Duterte — sa pagkakataong ito, dala ang islogan na "rule of law."

Ito ang sambit ni Digong sa kanyang televised speech, Lunes nang gabi, sa pulong ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), habang ipinagtatanggol si Health Secretary Francisco Duque III sa mga paratang ng katiwalian.

Basahin: 'Bakit wala si Duque?': Sotto kwinestyon kasong isasampa vs PhilHealth execs | May kinalaman: Duque may yet face raps over PhilHealth mess, Lacson says

"My job is to see to it that the rule of law — the rules for or against a person — are followed. At maraming sinasabi 'rule of law, hindi ka naman sumusunod, marami kang pinapatay.' Wala ho akong pinatay na tao," wika ng presidente.

"And I never, never — magtanong ka ng isang pulis dito sa Pilipinas, magtanong ka kay Secretary [Eduardo] Año sa DILG, magtanong ka kay [Defense Secretary] Delfin Lorenzana, at may inutusan ba akong taong sinabi, 'Patayin mo ito si Mr. Santos, Edmundo Santos, o patayin mo ito si Juan dela Cruz.' I never do that."

Kung dumadapo raw ito sa kanyang wisyo, tinitiyak lang daw ni Duterte na mananatili lang ito sa utak niya lalo na't "may digmaang nangyayari."

Sa kabila nito, hindi raw niya kayang itigil ang pagpapapatay sa mga kriminal lalo na't marami na raw sa mga sundalo't pulis.

Matagal nang humaharap sa kontrobersiya ng human rights violations si Digong, lalo na sa kanyang mga proklamasyon at utos laban sa mga drug suspects, aktibista at armadong rebolusyonaryo.

Taong 2019 nang i-adopt ng United Nations Human Rights Council ang resolusyong nag-uutos ng comprehensive international review sa madugong "war on drugs" at human rights situation sa Pilipinas, bagay na hindi raw magtatagumpay sabi ni Duterte.

May kinalaman: UN rights council adopts resolution on Philippines drug war killings

Umabot na sa 27,000 diumano ang napapatay sa ilalim ng war on drugs ni Duterte, ayon sa ulat ng Commission on Human Rights (CHR) noong Disyembre 2018. Gayunpaman, nasa 5,856 pa lang daw ito ayon sa opisyal na datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Setyembre.

Posted by Realnumbersph on Thursday, September 24, 2020

"A number of interest groups have weaponized human rights; some well-weaning, others ill-intentioned. They attempt to discredit the functioning institutions and mechanisms of a democratic country and a popularly elected government which in its last two years, still enjoy the same widespread approval and support," sabi ni Digong sa kanyang speech sa UN General Assembly noong nakaraang buwan.

"They hide their misdeeds under the blanket of human rights but the blood oozes through."

Retorika ng pagpatay at paiba-ibang tono

Taliwas sa pinagsasasabi ng presidente, ipinagmamalaki niya ang libu-libong napatay limang taon na ang nakalilipas. Ilan sa mga tanyag niyang deklarasyon ay sinabi niya bago maghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagkapangulo.

"Seven hundred daw pinatay ko? Nagkulang nga sila sa kwenta, mga 1,700," wika niya sa tanggapan ng Commission on Elections, Disyembre 2015.

Basahin: Anong 700? Mga 1,700 pinatay ko – Duterte

May kinalaman: DDS hitman: 1,000 ang pinatay ko!

Ganyan din ang kanyang inamin sa isa pang talumpati noong Pebrero 2019, matapos mag-viral ang isang video na bumabatikos sa kanya: "Patay? Ah marami akong pinatay. Marami pa. Ngayon mag-umpisa ako," sabi niya pa.

Disyembre 2019 lang din nang sabihin ni Duterte na nagtapon siya ng mga bangkay ng drug lords sa Manila Bay, Laguna Bay at bangin ng Tuba, Benguet.

Maya't maya rin sinasabi ng pangulo na papatayin niya ang mga sumisira at nang-aalipin sa mga Pilipino sa pamamagitan ng illegal narcotics.

"If you destroy my country, distributing P5.1 billion shabu all throughout my country, I will kill you," banggit naman niya nitong Hunyo 2020. Ilan pa nga sa mga isinama niya sa diumano'y "hit-list" niya ay ang mga "crazy rich people" na nagnanakaw diumano ng buwis ng taumbayan.

Sa kabila ng mga ito, iginigiit ng hepe ng Philippine National Police (PNP) chief Police Gen. Camilo Cascolan na hindi nagspo-sponsor ng extrajudicial killings ang gobyerno. Bukod pa riyan, wala raw nanggagaling kay Duterte na mga ganitong tipo ng utos.

Matatandaang iniba rin ni Duterte ang kanyang tono sa kanyang nakaraang 2020 State of the Nation Address (SONA) nang sabihing "hindi tatakasan" ng gobyerno ang oligasyon ni sa karapatang pangtao.

"My administration always believed that freedom from illegal drugs, terrorism, corruption and criminality is itself a human right violation," saad niya nitong Hulyo.

"Rest assured we will not dodge obligation to fight for human rights."

Ito'y kahit sinabi niya noong 2018 na mas matimbang sa kanya ang "human lives" kaysa "human rights."

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

RODRIGO DUTERTE

WAR ON DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with