^

Bansa

Kaso ng COVID-19 sa bansa 324,762 na, nadagdagan ng 2,291

James Relativo - Philstar.com
Kaso ng COVID-19 sa bansa 324,762 na, nadagdagan ng 2,291
Nakapila sa platform ang mga komyuter na ito para makapasok sa MRT-3 sa gitna ng COVID-19 pandemic, ika-14 ng Setyembre, 2020
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Sa unang araw ng pagbabalik-eskwela sa basic at secondary education, muli na namang nadagdagan ang bilang ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa, pagbabahagi ng Department of Health (DOH) sa isang pahayag, Lunes.

Nadagdagan pa ng 2,291 ang kumpirmadong nadali ng virus sa Pilipinas, dahilan para umabot na ito sa 324,762 ngayong araw.

'Yan ay matapos umabot sa halos 3.7 milyong katao na ang nasusuri ng mga COVID-19 facilities sa bansa. Gayunpaman, nasa 17 laboratoryo pa rin ang hindi nakakapagsumite ng kani-kanilang resulta sa DOH ngayong araw — dahilan para hindi mai-report ang marami pang kaso.

"26 duplicates were removed from the total case count. Of these, 18 were recovered cases," paliwanag ng DOH sa isang statement.

"Moreover, 25 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths after final validation."

Batay sa inilabas na datos na kagawaran, magmula sa sumusunod na lugar ang kalakhan sa mga nasabing kaso:

  • National Capital Region (825)
  • Batangas (140)
  • Laguna (128)
  • Rizal (114)
  • Cavite (102)

Sa kabila nito, 45,799 lang ang maituturing na aktibong kaso diyan. Ibig sabihin, hindi pa gumagaling o namamatay sa nasabing sakit ang nabanggit.

Binawian naman na ng buhay ang 64 pang panibagong kaso, bagay na nag-aakyat sa total local COVID-19 casualties sa 5,840.

'Di hamak na mas marami pa rin naman ang nagre-recover mula rito. Umabot na kasi ito sa 273,123, mas marami nang 87 kaysa sa mga gumaling kahapon.

Bagama't dumarami pa rin ang COVID-19 cases sa bansa, ibinahagi ng Malacañang ang plano ng gobyernong itaas sa 70% ang public transportation capacity.

"Pinag-iisipan talaga yan ng [Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases]...Ang tanging paraan para maahon sa kahirapan e ang pagbubukas ng ekonomiya," wika ni Roque kanina.

"It's a matter of time bago natin maibalik sa 70% ang public transportation natin."

Bukod pa riyan, sinabi rin ng DOH na pag-aaralan na ng husto ng IATF kung papayagan na rin ang mga senior citizens at menor de edad na lumabas-labas ng bagay kahit na nasa gitna ng COVID-19 pandemic.

Bawal kasi kahit sa mga modified general community quarantine areas (MGCQ), ang pinakamaluwag sa lahat ng lugar sa Pilipinas, ang paglabas-labas ng mga 21-anyos pababa at 60-anyos pataas dahil sa risk ng nakamamatay na sakit.

"Kailangan lang pong i-weigh natin what would be the advantages and the disadvantages," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa mga reporters.

"Pag-uusapan sa IATF and then we will be informing everybody."

Pumalo na sa 34.8 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling tala ng World Health Organization (WHO). Nasa 1.03 milyon na ang namamatay sa bilang na 'yan.

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with