^

Bansa

International airport sa Bulacan, solusyon sa Metro traffic - Sen. Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ni Sen. Chris­topher Lawrence “Bong” Go ang House Bill No. 7507 na nagbibigay   ng prangkisa sa San Miguel Aerocity Inc. upang magtayo, mag-develop, mag-operate at magmantina ng domestic at international airport sa Bulakan, Bulacan.

Sa Senate regular session, iginiit ni Go na ang kontruksyon ng bagong paliparan sa Bulacan ay makatutulong upang mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila.

Bukod dito, makalilikha rin ng mga trabaho sa Filipino ang pagtatayo ng paliparan, lalo ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

“This project is a prime example of how the public and private sectors can work hand in hand in building a better future for our people,” ani Go sa kanyang manifestation of support sa pagsisikap at proyekto ng San Miguel.

“Like I said, this will go a long way towards providing jobs and other economic opportunities outside Metro Manila, and will help decongest our urban areas. Napakarami pong matutulungan ng pagtayo ng airport na ito,” dagdag niya.

Sinabi pa niya na ang pagtatayo ng bagong airport ay malaking tulong rin sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program, na layong himukin ang ilang residente sa Metro Manila na magsimula ng bagong buhay at kabuhayan sa kani-kanilang lalawigan.

Gayunman, nagpaalala si Go sa proponents ng proyekto na tiyaking maoobserbahan at masusunod ang mga batas at rules and regulations sa konstruksyon ng bagong airport sa Bulacan..

Aniya, matagal nang inaasam na ma-decongest ang traffic sa Metro Manila.

Ang  privately funded airport project ay kabibilangan ng passenger terminal building na may airside at landside facilities at 8.4-km tollway na magsisilbing airport access na nakakonekta sa North Luzon Expressway sa Marilao, Bulacan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with