Velasco bigong patunayan ang kakayahan na mamuno bilang Speaker

Ayon pa sa mambabatas, hindi maaaring mamuno sa Kamara si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kung tahimik, tamad, spoiled brat at ipe-pressure ang Malacañang para utusan ang mga Kongresista na ga­win siyang Speaker dahil napatunayan sa supermajority coalition na mayorya ang hindi sumusuporta dito.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bigo umano si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na patunayan sa mga kapwa kongresista ang kanyang kapasidad na mamuno bilang Speaker ng Kamara kaya nawala sa kanya ang posisyon.

“He already lacked the gravitas, experience and skills compared to Speaker Alan from the start, what’s worse was he was an absentee congressman, he was always missing in action,” pahayag ni House Deputy Speaker Luis Raymund “LRay” Villafuerte.

Idinagdag pa ni Villafuerte, na hindi ginawa ni Velasco ang kanyang trabaho bilang kongresista at bilang Chairman ng Committee on Ener­gy, ito ang dahilan kaya nakumbinse ang supermajority na wala siyang kakayahang mamuno sa Kamara.

Samantalang kinuwestiyon rin ni Villafuerte ang pagkawala ni Velasco sa tuwing mayroong ma­laking isyu sa Kamara tulad ng ipasa nila ang anti-terror law, deliberasyon sa ABS-CBN franchise, pagpasa sa Bayanihan I at 2 kung saan sila nagdodobleng oras para maipasa lang ito at sa iba pang malalaking usapin sa Mababang Kapulungan.

Ayon pa sa mambabatas, hindi maaaring mamuno sa Kamara si Velasco kung tahimik, tamad, spoiled brat at ipe-pressure ang Malacañang para utusan ang mga Kongresista na ga­win siyang Speaker dahil napatunayan sa supermajority coalition na mayorya ang hindi sumusuporta dito.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni Deputy Speaker Dan Fernandez na magsasagawa ng pulong ngayong araw sa palasyo ng Malacañang ang kampo nina Cayetano at Velasco.

Nabatid na pag-uusapan sa pulong kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang isyu ng term sharing sa pagitan ng dalawang magkaribal.

Show comments