MANILA, Philippines — Inatasan ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, commander of JTF COVID Shield ang mga station commanders sa buong bansa na imonitor at bantayan ang mga beerhouse at bar sa kanilang nasasakupan sa posibilidad ng paglabag sa health protocol laban sa COVID-19.
Ayon kay Eleazar, wala silang magagawa kundi arestuhin at kasuhan ang mga ito sakaling mahuli sa aktong nasa bar o beerhouse.
Nananatiling nasa ilalim ng general community quarantine ang mga bar at beerhouse. Gayunman ilang establisimyento ang pinapayagan na magbenta subalit limitado.
“So any attempt to accept customers is already a clear violation of the IATF (Inter-Agency Task Force against COVID-19) guidelines and possibly even local ordinances,” Eleazar.
Sinabi ni Eleazar na kailangan ang koordinasyon ng mga pulis sa local governments unit upang matiyak na mapapanagot ang mga lalabag.
Dagdag pa ni Eleazar na may ilang insidente na ang pakikipag-inuman ay pinagmulan ng virus at infection.
Dahil dito kailangan din na magpakita ng malaskit ang mga negosyante upang maiwasan din ang aberya sa kanilang negosyo.
“And as responsible citizens, people should not really go to these places if they are mindful of their own and their family’s protection from the infection,” dagdag pa ni Eleazar.