31 lalawigan tinamaan ng ASF
MANILA, Philippines — Nasa 31 lalawigan sa bansa ang tinamaan ng African Swine Flu ang mga alagaing baboy.
Dahil dito, sinabi ni Dr. Ronnie Domingo ng Bureau of Animal Industry (BAI) na maaaring magkaroon ng kakapusan sa suplay ng pork products sa bansa dahil sa ASF.
Niliwanag naman ni Domingo na hindi naman buong lalawigan ang may ASF kundi kalat-kalat lamang ito.
“Pag sinabi po nating 31 provinces, hindi naman po lahat ng bayan o barangay doon ay mayroon. Kalat-kalat po iyon,” pahayag ni Domingo.
Malaki naman ang paniwala ni Domingo na ang ASF ay kumalat dahil sa bentahan ng hotdogs at iba pang processed meat products.
Kung kukulangin anya ang Metro Manila sa pork products, maaaring pagkunan ang Visayas at Mindanao para punan ang kailangang pork demand sa NCR.
Ang ASF ay partikular na tumama sa Luzon.
- Latest