Velasco hinamon ang leadership skills

MANILA, Philippines — Kinuwestyon kahapon ni Capiz Rep. Fredinil Cas­tro ang leadership skills ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para pamunuan ang Kamara kasabay ng paalala na hindi maaaring sibakin si House Majority leader at Leyte Rep. Martin Romualdez sakaling maupo siya bilang Speaker.

“Instead of being the leader he said he was, Cong. Velasco showed his true self. He did not work, he did not contribute, and he did not defend this house. He did not lead, so why would he expect us to follow him? It was his mistake to think that he could just do nothing within 15 months and just one day he appear to Congress to claim the speakership as if it was his birthright”, ayon kay Castro na dating Majority leader sa kanyang privilege speech.

Base sa ulat, ang kampo ni Velasco ay naghahanda na ng kanilang lineup para sa key positions sa Kamara bilang anticipation sa posibleng pagpapalit ng liderato ng Kamara sa susunod na buwan sa ilalim ng term-sharing agreement sa pagitan nila ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Subalit para kay Castro, ang kasunduan ay sa pagitan lang nila Velasco at ni Speaker subalit paano umano nila pagtitiwalaan ang kongresista ng Marinduque kung hindi naman siya kumikilos.

Show comments