^

Bansa

Dinapuan ng COVID-19 sa bansa lumobo sa 291,789, patay 5,049 na

James Relativo - Philstar.com
Dinapuan ng COVID-19 sa bansa lumobo sa 291,789, patay 5,049 na
Papalubog na ang araw ngunit masaya pa rin ang pagtitipon ng ilang turista sa Manila Bay, ika-20 ng Setyembre, 2020, matapos nilang dagsain ang bagong bukas na "white sand beach" doon, bagay na nabatikos dahil sa kawalan ng physical distancing kontra COVID-19.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ilang araw matapos ang isang taong pagpapalawig ng "state of calamity" sa buong Pilipinas sanhi ng coronavirus disease (COVID-19), bahagyang humupa ang epekto ng pandemya sa muling pagpapatong-patong ng mga infections, Martes.

Sa bagong labas na tally ng Department of Health (DOH), makikitang 1,635 lang ang naidagdag ngayong araw, dahilan para umabot ang local cases patungong 291,789. Malayo-layo ang mga  sariwang ulat sa naitala kahapon ng DOH na 3,475 infections.

"34 duplicates were removed from the total case count. Of these, 21 were recovered cases," sabi ng Kagawaran ng Kalusugan sa isang pahayag.

"In addition, 2 recovered cases, found to be negative, were removed from the total case count after final validation."

Nanggaling naman sa mga sumusunod na lugar ang kalakhan sa mga newly reported cases: 

  • National Capital Region (583)
  • Cavite (102)
  • Iloilo (97)
  • Rizal (67)
  • Cebu (57)

Meron namang 56,097 na "aktibong kaso" ngayong araw na kumakatawan sa mga pasyenteng hindi pa gumagaling at namamatay sa virus.

Na-update ang bilang ng mga nahawaan matapos umabot sa 3.22 milyon katao na ang nasusuri para sa virus. Sa kabila niyan, siyam na laboratoryo pa ang hindi nakakapagsumite ng kanilang mga resulta as of today.

Sumakabilang-buhay naman na naman na ang nasa 5,049 cases ng nasabing sakit. Mas mataas 'yan ng 50 kumpara sa naibalita ng gobyerno kahapon.

Wala naman na sa panganib ang karagdagang 450 COVID-19 patients ngayong araw na nagdadala sa total local recoveries sa 230,643.

Kanina nang ilapit naman sa publiko ni presidential spokesperson Harry Roque ang ilang pagamutan at laboratoryo kung saan makakakuha ng abot-kayang COVID-19 testing.

'Yan ay kasunod ng rekomendasyon ng DOH na magpasa si Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order na maglilimita sa presyo ng mga RT-PCR tests.

"Dahil donated ang makina at kits, P1,750 hanggang P2,000 lang po ang babayaran," paliwanag ni Roque.

May kinalaman: 'Price ceiling' sa COVID-19 swab testing inihapag ng DOH kay Duterte

Sa ngayon, 30.94 milyon na ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig. Patay naman na mula diyan ang 959,116, ayon sa World Health Organization (WHO). — may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

CORONAVIRUS DISEASE

DEPARTMENT OF HEALTH

HARRY ROQUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with