^

Bansa

Milyong Pinoy na nawalan ng trabaho dagsa sa pawnshops

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Milyong Pinoy na nawalan ng trabaho dagsa sa pawnshops
Inihayag ito ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez kasabay ng panawagan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ibaba ang singil sa interes ng mga pawnshop ngayong patuloy na dumaranas ang bansa ng krisis sa kalusugan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Milyong Pinoy na nawalan ng trabaho ang dumaragsa sa mga pawnshops para magsangla ng mga alahas at iba pang mga kagamitan upang sagipin sa pagkagutom ang kanilang mga pamilya dulot ng COVID-19 pandemic.

Inihayag ito ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez kasabay ng panawagan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ibaba ang singil sa interes ng mga pawnshop ngayong patuloy na dumaranas ang bansa ng krisis sa kalusugan.

Sa House Resolution (HR) 1212 ni Rodriguez, sinabi nito na ang pandemya at lockdowns na ipinatupad ng pamahalaan ay nagdulot ng pagkawala ng trabaho ng milyong mga Pilipino.

Sa mga pawnshops bumabaling ang mga naghihirap na Pinoy dahil higit na mababa ang interes at konti lamang ang mga rekisitos kumpara sa mga bangko.

Pinuna ni Rodriguez na sa mga nakalipas na buwan ay mahaba ang pila ng mga nagsasangla ng mga alahas kung saan ang sitwasyon ay sinasamantala na ng mga pawnshop na itinataas ang kanilang lending rates.

“Because of this, many are deprived of their opportunity to earn, resulting in them being unable to pay their bills, including rent and utilities,” ani Rodriguez.

 

PAWNSHOPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with