^

Bansa

Mga anomalya sa mga ahensya rektang ipinaparating na kay Yap

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Kapansin-pansin na tuwing budget hearing sa Kongreso ay may binabasa sa kanyang cellphone si ACT-CIS Congressman at House Appropriations Chairman Eric Go Yap ang mga anomalya sa ilang tanggapan ng pamahalaan na ipinaparating sa kanya ng publiko.

Paliwanag ni Cong. Yap na may boses na ngayon ang taong bayan para isumbong at iparating ang impormasyon na nagaganap na katiwalian sa isang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Yap, binabasa niya sa harap ng mga opisyal ng ahensya na nagre-request ng budget sa kanyang komite ang hindi magandang nangyayari sa kanilang mga tanggapan.

“Minsan ang mga empleyado na rin ang nagsasabi sa pamamagitan ng text, viber, email, o facebook na wag taasan ang budget ng kanilang ahensya dahil winawaldas lang naman daw ng mga bossing,” ayon kay Yap.

“Sa kanila ko rin nalalaman ang mga anomalya na nangyayari at pinapasagot ko ang mga opisyal sa harapan ko,” dagdag pa ng kongresista.

Isang halimbawa ang text ng isang negosyante na kinikikilan siya sa bureau of customs na kaagad inilapit ni Yap sa National Bureau of Investigation (NBI).

Kabilang sa mga reklamo ay mababang sahod at kakulangan sa gamit ng isang opisina ng pamahalaan sa kabila na may sapat namang budget na inilaan ang pamahalaan.

Babala ni Yap sa mga opisyal ng ahensya na ayusin ang kanilang mga trabaho dahil madali ng naipapara­ting sa kanya ang mga sumbong ng taong bayan sa pamamagitan lang ng text, email at social media. .

ERIC GO YAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with