^

Bansa

Sementeryo sa buong Pinas sarado sa Undas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sementeryo sa buong Pinas sarado sa Undas
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang papayagang makapasok na bisita sa mga nabanggit na araw.
Miguel de Guzman/File

MANILA, Philippines — Isasara ang lahat ng pribado at pampublikong sementeryo, columba­riums at memorial park sa bansa simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4, 2020, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang papayagang makapasok na bisita sa mga nabanggit na araw.

Aprubado rin aniya ng Inter-Agency Task Force ang temporary closure ng mga libingan.

Pero simula Setyembre 17 hanggang Nob­yembre 15, maliban sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 ay bukas ang mga sementeryo, columbariums at memorial parks. Sa mga nabanggit na araw, lilimitahan sa 30 porsiyento ang kapasidad bilang bahagi ng pag-iingat sa COVID-19.

Dapat ding magsuot ng face mask at face shields ang mga dadalaw.

“Pwede naman po tayo dumalaw bago isara at matapos isara ang mga sementeryo pero 30 percent nga po ang capacity, kinakailangan [magsuot ng] face masks at face shields,” ani Roque.

Kalimitang nagsisiksikan sa mga sementeryo ang milyun-milyong Filipino tuwing sumasapit ang undas kung saan dina­dalaw ang mga namayapang mahal sa buhay.

 

SEMENTERYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with