MANILA, Philippines — Maaari nang makauwi ang mga locally stranded individuals (LSIs) sa Western Visayas provinces tulad ng Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Antique, at Iloilo City matapos pansamantalang bawiin ang two-week travel moratorium sa rehiyon.
“The IATF approves the partial lifting of the temporary suspension of inbound travel by returning residents to Region 6, as approved during the Inter-Agency Task Force Resolution 69 dated Sept. 7, 2020,” nakasaad sa IATF Resolution No. 71.
Nauna ng nagpalabas ng kautusan ang IATF na nagpapatigil ng pagpapauwi sa mga balik-residente sa Region IV, Iligan, at Lanao del Sur mula September 7 hanggang 21 base na rin sa hiling ng mga lokal na pamahalaan.
Sasailalim sa COVID-19 PCR test ang mga LSIs upang matiyak na hindi magkakalat ng virus sa pupuntahang probinsiya.