^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ba’t kakaunti lang ang kinasuhan sa PhilHealth?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ba’t kakaunti lang ang kinasuhan sa PhilHealth?

Inaprubahan na ni President Duterte ang pag­sasampa ng kasong graft kay dating Philippine­ Health Insurance Corporation (PhilHealth) President­ at Chief Executive Officer Ricardo Morales. Bukod­ kay Morales, anim na iba pang matataas na opis­yales­ ang pinasasampahan ng kaso. Sila ay sina Se­nior Vice President Jovita Aragona, officer-in-charge Calixto Gabuya Jr., SVP Renato Limsiaco, SVP Israel Francis Pargas, COO Arnel de Jesus, at division chief Bobby Crisostomo.

Hindi naman kasama sa mga kinasuhan si Health Sec. Francisco Duque III sa kabila ng mga akusasyon na mayroon umano itong pananagutan. Ayon sa imbestigasyon ng Senado nararapat kasuhan din si Duque.

Isang task force ang binuo para mag-imbestiga sa corruption sa PhilHealth. Nirekomenda ng task force ang pagsasampa ng kasong katiwalian sa mga matataas na opisyal ng PhilHealth at agad naman itong inaprubahan ni President Duterte.

Sabi ng Presidente, “I’m sorry for them, but they will have to undergo trial, although they can always prove their guilt beyond reasonable doubt. The presumption of innocence is still attached.”

Nakapagtataka lang kung bakit pito lang ang kakasuhan gayung mahigit 30 ang sinasabing sangkot sa katiwalian sa PhilHealth?

Una nang sinuspende ng Office of the Ombudsman ang 13 opisyal dahil sa isyu ng katiwalian. Nag­simula ang pagsingaw ng korapsiyon sa PhilHealth makaraang ibulgar ng mga mismong empleyado ang sindikatong namamayani sa ahensiya.

Kabilang sa mga alegasyon ay ang procurement ng overpriced IT equipment; kuwestiyunableng pag-release ng pondo sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM); at ang manipulation ng financial status ng ahensiya.

Pagkaraan nang maraming taon na umaalimuom ang bagsik ng korapsiyon sa nasabing insurance agency, ngayon lamang nagkaroon ng matinong imbestigasyon at maaaring maging daan para ma­bulok sa bilangguan ang mga inaakusahan.

Sana nga sa pagkakataong ito ay mayroon nang mabulok sa piitan. At sana hindi lang pito ang ma­parusahan sa PhilHealth. Halukayin pa para maubos ang mga nangurakot ng pera. Pagsikapan naman ng bagong PhilHealth chief na maibangon ang sina­lantang ahensiya.

PHILHEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with