^

Bansa

'Best in Asia': Malacañang binigyan ng 85 na grado ang sariling COVID-19 response

James Relativo - Philstar.com
'Best in Asia': Malacañang binigyan ng 85 na grado ang sariling COVID-19 response
Kinukunan ng swab samples ng health workers na ito sa Rosario Maclang Bautista General Hospital ang ilang residente sa Batasan Hills, Quezon City, ika-13 ng Hulyo, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Mataas-taas na grado ang ibinigay ng Palasyo sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, at sinabing pinakamahusay sa buong kontinente ng Asya, o maaaring buong mundo, ang Pilipinas pagdating sa pagte-test kaugnay ng pathogen.

"All in all, I think we deserve a very good grade, I would give it a grade of 85%," ayon kay presidential spokesperson Harry Roque sa isang virtual briefing, Martes.

'Yan ay kahit na kahapon naitala ang pinakamalaking single-day deaths ng COVID-19 sa kasaysayan ng Pilipinas, ayon sa datos mismo ng Department of Health (DOH).

Basahin: 'Record high': Patay sa COVID-19 sa Pilipinas 259 ngayong araw lang; kaso 265,888 na

Pagmamalaki ni Roque, labis-labis daw kasing nalampasan ng Pilipinas ang expectations ng mga dalubhasa't mathematicians, na una nang nagtaya na aabot sa 3 milyon ang COVID-19 cases sa Pilipinas noong Hunyo.

Sa huling taya ng DOH, nasa 265,888 na ang tinatamaan ng nakamamatay na sakit sa bansa, kahit na 259 ang naiulat noong Lunes na namatay sa kinatatakutang virus.

Aniya, napakababa ng case mortality rate ng Pilipinas, na nasa 1.7% lang. Tumutukoy ito sa porsyento ng mga namamatay sa isang sakit kung ikukumpara sa lahat ng nahawa sa isang lugar.

Maliban pa riyan, 50% pa raw ang capacity ng intensive care unit (ICU) beds habang 74% pa ang available ventilators sa ngayon, dahilan para sabihin niyang "hindi overwhelmed" ang health system ng bansa.

Ilang beses nang itinatanghal ang Pilipinas bilang may pinakamalaking "active cases" ng COVID-19 sa buong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), o yaong mga nagpapatuloy pa ring kaso na hindi pa gumagaling o namamatay.

Una nang sinabi ng binigyan ng "bagsak" na grado ng Citizens' Urgent Response to End COVID-19 (CURE) ang COVID-19 response ng pamahalaan, lalo na't palpak pa rin daw ito sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan gaya sa daily target testing.

"Sa usapin ng effectiveness, medyo fail po tayo talaga. Kailangan pa ng improvement. Kailangan makita ang effectiveness nito. Back to Square One ang nangyari," ani Dr. Joshua San Pedro, co-founder ng Coalition for People's Right to Health (CPRH) noong Hulyo.

'Pinakamahusay sa Asya o mundo'

Samantala, ipinagmalaki rin ni Roque na Pilipinas ang may "pinakamahusay" na sistema ng COVID-19 sa Asya — ang pinakamalaking kontinente sa daigdig — dahil sa bilang ng nasusuri para sa nakamamatay na virus.

"We clearly have the best testing policy in the whole of Asia and probably in the whole world because we have exceeded 3 million. As a percentage of total whole population, lubus-lubusan na po 'yan doon sa sinasabing 3% na dapat ma-test na population," dagdag pa ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"And I think we will have the highest number of testing, one of the highest in the whole world. That's clearly one of our biggest strength."

Bagama't 2.93 milyong indibidwal na ang nate-test ng Pilipinas pagdating sa COVID-19, pagkarami-rami pa rin ng nakikitaang nahahawaan at namamatay sa nasabing sakit.

Malayong-malayo 'yan sa karatig na bansang Vietnam, kung saan 1,063 pa lang ang may COVID-19 at 35 pa lang ang namamatay kahit na katabi pa mismo ng Tsina — ang bansang pinanggalingan mismo ng pathogen.

Malayo rin ang mga datos ng Thailand, kung saan 3,480 pa lang ang nahahawaan habang 58 pa lang ang namamatay.

Pilipinas na rin ang may pinkamahabang lockdown at quarantine sa buong mundo kontra COVID-19.

Sa kabila ng pagmamalaki ng Palasyo, marami pa rin naman daw aspeto ng COVID-19 response ang maaaring mapaigi ng Pilipinas sa pagsugpo ng pandemya.

"We have to brush up on our tracing. At ngayong na-approve na po ang Bayanihan 2, and we will have P5 billion alloted for additional tracers, tingin ko ho we will have major inroads and successes using also the Magalong formula, na kailan lang po naitalaga bilang tracing czar," sambit pa ni Roque.

"Kinakailangan din po natin ang mas marami pang mga isolation facilities kung ipatutupad ponatin ang gustong mangyari nga pooi ni Secretary Ano na wala na talagang magho-home quarantine.

HARRY ROQUE

MALACANANG

NOVEL CORONAVIRUS

PALACE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with