^

Bansa

‘Pasahero mas lalong mag-ingat’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Pasahero mas lalong mag-ingat’
Ang mga pasahero sa LRT-1 sa ipinatutupad na .75 meter distancing na pinasimulan kahapon.
Kuha ni Edd Gumban

Sa pagluwag sa physical distancing

MANILA, Philippines — Mas lalong dapat na mag-ingat ang mga pasahero sa pagsunod sa mga ‘health protocols’ kapag sasakay sa mga pampublikong sasakyan makaraang luwagan ng Department of Transportation (DOTr) ang panuntunan sa ‘physical distancing’.

Ayon sa DOH, dapat maging mapagmatyag ang mga Pilipino sa mga sitwasyon na hindi maipatupad ang physical distancing at kung posible ay gumamit ng mga opsyon sa transportasyon na maipatutupad ang isang metrong distansya sa bawat isa.

Samantala, sinabi naman ni Dr. Edsel Salvaña, clinical associate professor ng UP-Philippine General Hospital, na walang pag-aaral na magiging kapareho rin ang proteksyon sa tao kung nakasuot ng face mask at face shield kung babawasan ang physical distancing.

“Hindi naman po natin sinasabing hindi puwede. Pero dahil wala pa tayong magandang ebidensya, siguro dapat hindi po biglaan dahil baka magkaroon tayo ng problema talaga,” ayon kay Salvaña.

Inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang isang metrong layo sa bawat isa habang ang European Union (EU) ay ini­rerekomenda naman ang 1.5 metrong agwat at 2 metro naman ang ipinatutupad ng US Centers for Disease Control and Prevention.

Ayon naman kay DOTr Undersecretary Artemio Tuazon, ang Pilipinas na lang ang nagpapatupad ng one-meter distancing sa mga railways.  - Mer Layson

 

PHYSICAL DISTANCING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with