^

Bansa

Isang metrong distansiya nais ni Año na manatili

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kung si DILG Secretary Eduardo Año ang tatanungin ay mas nais aniya niyang panatilihin ang isang metrong distansiya sa pagitan ng mga pasahero sa mga mass public transportation sa bansa, sa halip na bawasan ito, upang matiyak na hindi magkakaroon ng hawahan ng COVID-19.

Ayon kay Año, mas nais niyang manatili ang pagpapatupad ng one-meter distance sa mga pasahero kung makapagbibigay lamang ng mas maraming transportasyon sa mga mamamayan, sa halip na bawasan ang distansiya sa pagitan ng mga ito.

Gayunman, paglilinaw ni Año,  ang pagbabawas aniya ng distansiya ay isang “collective decision.”

Tugon din aniya ito ng pamahalaan sa panawagan ng sektor ng transportasyon na madagdagan ang kanilang passenger capacity.

Matatandaang kahapon ay sinimulan na ng pamahalaan ang inisyal na pagbabawas ng physical distan­cing measure sa public transport vehicles ng mula isang metro ay naging 0.75 metro na lamang.

 

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with