^

Bansa

DILG mas trip ang 1-metrong 'distancing' sa public transpo ngayong binawasan ng gobyerno

James Relativo - Philstar.com
DILG mas trip ang 1-metrong 'distancing' sa public transpo ngayong binawasan ng gobyerno
Kuha ng mga pasahero sa MRT-3 sa unang araw ng pagbabawas ng distansya sa pagitan ng mga pasahero ngayong araw, ika-14 ng Setyembre, 2020
Released/DOTr MRT-3

MANILA, Philippines — Kung si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang masusunod, mas gugustuhin niyang mapanatiling isang metro ang physical distancing sa mga pampublikong sasakyan ngayong pinababawasan ito para makapag-accommodate nang mas marami sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Biyernes kasi nang kumpirmahin ng Department of Transportation (DOTr) ang balitang gagawing 0.75 metro na lang ang dating isang metrong distansya ng isa't isa sa MRT, LRT at Philippine National Railways (PNR) simula ngayong Lunes para maparami ang nakasasakay.

Basahin: 'Social distancing' sa public transpo babawasan mula Lunes, pasahero dadami

"Personally I’d like to abide by the one meter standard, if we can actually provide more transport to our people rather than reducing the distance," ani Año sa panayam ng ANC, Lunes nang umaga.

"That is subject to further discussion especially because the health sector is going to present their argument tomorrow."

Plano pang ibaba ng DOTr sa 0.5 metro sa susunod na dalawang linggo ang distancing sa mga tren, at gawing 0.3 metro na lang matapos ang isang buwan.

Bukod pa riyan, papayagan na rin ang pagtayo sa gitna ng mga bus at mga class 2 modern public utility vehicles (PUVs) para maparami ang mga pasahero. Ii-increase na rin ang pwedeng pumasok at sumakay sa mga eroplano, barko at mga roll on-roll off (RoRo) vessels simula ngayong araw.

"We’re encouraging everyone to cooperate. This is a problem where everyone is concerned and is a personal responsibility," sabi pa ng DILG official.

Dahil sa mga panibagong protocol, aakyat sa 204 ang maaaring sumakay sa MRT-3 nang sabay-sabay, o 17% increase mula sa dating 153 lamang. Tinataya tuloy na 68 katao kada bagon ang ridership sa ngayon. 

Maaaring silipin ang iba't ibang practice ng social distancing sa mga bansa Asya sa table na ito:

Posted by News5 on Sunday, September 13, 2020

Kalusugan titiyakin

Giit pa ni Año, na co-chair din ng National Task Force against COVID-19, Department of Health (DOH) mismo ang nagrekomenda ng pagbabawal ng pagsasalita at pagsagot sa telepono ngayong ipatutupad na reduced distancing sa pampublikong mga sasakyan, kasabay ng dati ng panuntunan ng pagsusuot ng mga face mask at face shield.

"The DOH Values the protection of lives and livelihoods, and we are for spurring econonomic recovery," paliwanag ng kagawaran sa hiwalay na pahayag noong Linggo.

"The [DOTr], being the lead agency, shall be responsible for issuing transport guidelines to ensure that the public's health and safety shall not be compromised."

Dagdag pa ng Kagawaran ng Kalusugan, mainam na maging "extra vigilant" sa mga sitwasyong imposible ang physical distancing, at kung kakayanin, gumamit lang ng transport options na maaaring paabutin sa isang metro ang paglalayo-layo.

Sa ulat ng News5, lumalabas na pinapayagan na ang pagtayo sa gitna ng mga bagon ng MRT, habang nasusunod naman ang panibagong distancing protocols.

LIVE | Kumusta sa MRT ngayong umaga? Simula ngayong Lunes, ipinatupad na ang 0.75-meters na physical distancing sa mga commuter. | via Gerard dela Peña

Posted by News5 on Sunday, September 13, 2020

"Finally, we appeal to senior citizens, those who are immunocompromised and those who do not feel well to stay home," sambit pa ng DOH.

"Together we can protect ourselves and our loved ones. Together we can all be the solution to COVID-19."

Sa huling taya ng ahensya, pumalo na sa 261,216 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, kung saan 4,371 na sa kanila ang namamatay.

Robredo: Agham ba ang batayan?

Kwinestyon naman ni Bise Presidente Leni Robredo ang panibagong panuntunan na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, habang sinasabing baka may mas epektibong pamamaraan kaysa bawasan ang distansya ng isa't isa.

"Iyong sa akin lang, nakabase ba ito sa siyensya? Iyong 0.3 [metrong binawas] nakabase ba sa siyensya?" saad niya sa isang statement.

"Kung iyong point nito, iyong mas marami iyong kita ng drivers, na okay naman, pero may ibang mas epektibong paraan."

Aniya, baka mas mainam kung magkakaroon na lamang ng mga "service contracting," para hindi raw nasasakripisyo ang kita ng mga jeepney driver.

Punado rin kay Navotaws City Mayor Toby Tiangco ang nasabing aksyon ng gobyerno, lalo na't tila kontra raw ito sa minimum safety standards na itinuturo sa publiko.

"Reducing distancing among commuters to increase ridership is inconsistent with the minimum safety standards that we have been teaching our people for six months now," ani Tiangco.

"We have started to flatten the curve. This means what we have veen doing is effective." — may mga ulat mula sa News5 at ONE News

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

NOVEL CORONAVIRUS

PUBLIC TRANSPORTATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with