MANILA, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 si dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, na ngayon ay isang Cardinal Bishop sa Vatican City, matapos kunan ng swab test pagdating sa Pilipinas nitong Biyernes mula sa bansang Italya.
Ayon kay Matteo Bruni, director ng Holy See Press Office, walang nakitang sintomas kay Tagle ngunit mandatory siya na magself-quarantine sa Pilipinas.
Si Tagle ay nakabase na ngayon sa Vatican matapos na maitalaga bilang “prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples” ni Pope Francis.
Tiniyak naman ng simbahan na magsasagawa sila ng contact tracing sa lahat ng mga taong nakasalamuha ni Tagle.
Bukod kay Tagle, nagpositibo rin sa COVID sina Kalookan Bishop-emeritus Deogracias Iñiquez, Manila Apostolic Administrator Broderick Pabillo at Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, na pumanaw na noong Agosto 26.