^

Bansa

COVID-19 cases sa bansa 252,964 na matapos madagdagan nang 4,040

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 cases sa bansa 252,964 na matapos madagdagan nang 4,040
Nilalagyan ng wrist band ng healthcare worker na ito ang braso ng pasyenteng ito matapos isailalim sa isang COVID-19 swab test, ika-8 ng Setyembre, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sa pagtatapos ng ika-26 linggo ng quarantine, patuloy pa rin ang pagpapatong-patong ng mga panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa mga datos na inilabas ng Department of Health (DOH).

Tumuntong na ngayon sa 252,964 ang nadadali ng deadly virus matapos iulat ang 4,040 bagong nahawaan.

Relatibong pagtaas ito mula sa mga single-day new cases na inulat nitong mga nakaraang araw, na kadalasa'y nasa mahigit 1,000 hanggang 3,000 lamang.

Galing ang mga sariling bilang sa tinatayang 2.81 milyong indibidwal na na-test na para sa COVID-19 habang anim na laboratoryo lamang ang hindi nakapagsumite ng mga resulta ngayong araw.

"There were 23 duplicates that were removed from the total case count. Of these, 9 recovered cases have been removed," paliwanag ng DOH sa isang pahayag.

"Moreover, there were nine (9) cases that were previously reported as recovered but after final validation, they were deaths."

Karamihan sa mga sariwang kasong natagpuan ng kagawaran ay nagmula sa mga sumusunod na lugar:

  • National Capital Region (1,813)
  • Cavite (435)
  • Rizal (218)
  • Bulacan (195)
  • Laguna (171)

LOOK: DOH COVID-19 CASE BULLETIN #181 As of 4PM today, September 11, 2020, the Department of Health reports the total...

Posted by Department of Health (Philippines) on Friday, September 11, 2020

Tinatayang nasa 62,250 naman ang natitirang "active cases" sa Pilipinas, matapos iawas sa mga datos ang mga gumaling at namatay na sa COVID-19.

Gumaling naman na sa sakit ang 566 pang katao, bagay na nag-aakyat sa mga local recoveries sa 186,606.

Hindi naman pinalad na makaligtas sa sakit ang nasa 4,108 matapos bawian ng buhay habang nakikipagbuno sa pathogen. Mas marami 'yan ng 42 kumpara kahapon.

Kung susumahin, 899,916 na ang nasawi sa COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa pinakabagong report ng World Health Organization. Kasama ang bilang na 'yan sa kabuuang 27.73 milyong infections na naitala simula nang kumalat ang sakit mula sa Wuhan, China.

CORONAVIRUS DISEASE

DEPARTMENT OF HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with