^

Bansa

Sa birthday ni Marcos, #ArawNgMagnanakaw no. 1 trending sa Twitter

James Relativo - Philstar.com
Sa birthday ni Marcos, #ArawNgMagnanakaw no. 1 trending sa Twitter
Protesta ng mga militanteng grupo sa paanan ng Bantayog ng mga Bayani, ika-11 ng Setyembre, 2020, bilang pagtutol sa panukalang gawing special non-working holiday sa Ilocos Norte ang kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Bagong "holiday" ang sigaw ng netizens online kasabay ng kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, pero hindi ito para papurihan ang alala ng yumaong diktador — ngunit para ipaalala ang kanyang mga krimen sa taumbayan.

Tinaguriang "#ArawNgMagnanakaw," ito ang tugon nang marami sa social networking site na Twitter sa panukalang  batas na gawing special non-working holiday sa Ilocos Norte ang ika-11 ng Setyembre para dakilain ang naturang strongman.

Basahin: Panukalang gawing 'holiday' ang kaarawan ni Marcos sa Ilocos Norte pasado sa Kamara

Sa sobrang popular ng hashtag, namayagpag ito para maging numero uno sa trends bandang tangali ngayong araw.

Simula nang buuin ni dating Pangulong Corazon Aquino ang Presidential Commission on Good Government (PCGG), umabot na sa P170 bilyon, o halos $3.6 bilyon, ang halagang nababawi ng ahensya mula sa mga nakaw na yaman ni "Macoy" at kanyang mga alipores noong 2017.

Bukod pa 'iyan sa 34,000 tinorture, 3,200 pinatay at mahigit 70,000 ikinulong ng rehimeng Martial Law ni Marcos magmula 1972 hanggang 1981, ayon sa tala ng Amnesty International.

May kinalaman: Money trail: The Marcos billions

"Today we mark the birth anniversary of the dictator Marcos with protests against historical revisionism and with a pledge to never again allow a fascist dictatorship to rule our country," ayon kay Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) secretary general Renato Reyes Jr. sa isang tweet, Biyernes.

"We oppose the House measure declaring September 11 as a holiday for Ilocos. It is an honor undeserved. Marcos plundered the nation and committed gross human rights violations. We must not whitewash those crimes by a holiday that seeks to rehabilitate the legacy of the dictator."

Aniya, hindi na rin nila ikinagugulat na niluluto bilang bagong piyesta opisyal ang ika-11 ng Setyembre sa ilalim mismo ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit nila, tila iisa lang ang likaw ng bituka nina Marcos at Duterte bilang mga "tiraniko." Matatandaang in-endorso ni Digong ang kandidatura ni Sen. Imee Marcos — anak ni Ferdinand — noong 2016 midterm elections, bagay na naipanalo ng senadora.

"We call on the youth to never forget and to continue the resistance. We call on the people to mark Sept. 21, the anniversary of Martial Law, w/protest and remembrance of tyranny  past and present," patuloy ni Reyes.

Sinabayan din ng mga kilos-protesta sa Bantayog ng mga Bayani ang ika-103 kaaranan ni Marcos ngayong araw, habang ipinaanawagang hindi sila makalilimot at hindi na dapat maulit pa ang Batas Militar.

Various militant groups stage a protest rally at the Bantayog ng mga Bayani in Quezon City in time for the former...

Posted by Philippine Star on Thursday, September 10, 2020

Samantala, nagdaos naman ng misa sa Lungsod ng Taguig ang mga loyalista't pamilya ni Marcos bilang pagsariwa sa kanyang alaala.

Matatandaang ipinalipat ni Duterte ang mga labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong Nobyembre 2016 sa dahilang naging sundalo noon ang diktador.

"The law says that Marcos is qualified to be buried there, as a soldier. They are contesting whether Marcos was a hero. I don’t care. Whether he was a hero or not, he was a soldier… (With regard to the term) hero, politics is involved," ani Duterte.

Celebration of the Holy Mass at Libingan ng mga Bayani in honor of the late President Ferdinand Marcos.

Posted by Senator Imee R. Marcos on Thursday, September 10, 2020

DICTATORSHIP

FERDINAND MARCOS

HUMAN RIGHTS

ILL-GOTTEN WEALTH

MARTIAL LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with