^

Bansa

'Social distancing' sa public transpo babawasan mula Lunes, pasahero dadami

James Relativo - Philstar.com
'Social distancing' sa public transpo babawasan mula Lunes, pasahero dadami
Sumasakay ng pampublikong bus ang mga mananakay na ito sa MRT orth Ave. Station noong ika-7 ng Hulyo, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Aprubado na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mungkahing paramihin ang mga pasahero sa pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng pagbabawas ng physical distancing measures sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) ang balita, Biyernes, at sinabing nagmula sa Economic Development Cluster (EDC) ang plano.

"There is a need to safely optimize the carrying capacity of the various public transport modes as Metro Manila and its adjacent areas continue with the transition towards the 'new normal' where more workers are expected to return to their re-opened work places," ani DOTR Secretary Arthur Tugade.

"[M]ore businesses are expected to resume operations that were stopped during the enforcement of strict quarantine measures."

Mula sa isang metrong layo ngayon, gagawing 0.75 meters na lang ang distansya ng mga pasahero ng MRT, LRT at Philippine National Railways (PNR) sa isa't isa simula ika-14 ng Setyembre.

Plano pa itong ibaba nina Tugade sa 0.5 metro sa susunod na dalawang linggo, at gawing 0.3 metro na lang matapos ang isang buwan.

Narito ang magiging itsura ng panibagong paglalayo-layo at passenger capacity sa mga nasabing tren sa susunod na mga araw:

LRT-1

  • 1-meter: 155
  • 0.75-meter: 204
  • 0.5-meter: 255
  • 0.3-meter: 300

LRT-2

  • 1-meter: 160
  • 0.75-meter: 212
  • 0.5-meter: 274
  • 0.3-meter: 502 

MRT-3 

  • 1-meter: 153
  • 0.75-meter: 204
  • 0.5-meter: 255
  • 0.3-meter: 286

PNR

  • 1-meter: 166
  • 0.75-meter: 184
  • 0.5-meter: 256
  • 0.3-meter: 320

Ipinatutupad ang paglalayo-layo ng mga tao sa loob ng mga nasabing sasakyan upang mabawasan ang paghahawaan ng nakamamatay ng COVID-19. Gayunpaman, limitado pa tuloy ang dami ng mga pasaherong nakasasakay nang sabay-sabay dahil diyan — bagay na nakakaaapekto sa ekonomiya at dulas ng pagbiyahe.

Ani Tugade, nakakuha ng suporta ang proposal na ito ng EDC at DOTr ng National Task Force (NTF) against COVID-19, bagay na pinangungunahan ni chief implementer Carlito Galvez Jr. at IATF.

Modern jeepneys, bus, eroplano

Samantala, paluluwagin na rin ang ilang distancing protocols pagdating sa mga class 2 modern public utility vehicles (PUVs) at public utility buses.

Dahil diyan, pwede na uling tumayo sa gitna, o daanan ng mga bus, ang mga pasahero para mas marami ang ma-accomodate na riders.

Dadami na rin ang pwedeng pumasok at isakay sa mga paliparan, pantalan, eroplano at mga barko.

Ganito naman ang magiging itsura ng passenger load capacity sa loob ng mga roll on-roll off (RoRo) vessels:

  • 1-meter: 50%
  • 0.75-meter: 75%
  • 0.5-meter: 85%
  • 0.3-meter: 100% 

Usaping pangkalusugan

Sa isang presentasyon ng sa IATF-EID meeting, ipinaliwanag ng DOTr na napag-isipan nilang payagan ang mas paglalapit ng mga commuter ngayong nagpapatupad na nang mas mahihigpit na health protocols kontra COVID-19.

"Optimizing the physical distance between passengers inside PUVs without sacrificing strict health and safety protocols such as wearing of face masks and face shields, will help soothe the transportation woes of Filipino commuters," ani Galvez.

"With public transportation, there is faster recovery of lives and livelihoods as we push forward under the new normal."

Maliban sa physical distancing kasi, kinakailangan na nakasuot ng face shield sa ibabaw ng face mask ang mga mananakay. Pinagbabawalan din ang mga commuter na magsalita o tumawag gamit ang mga cellphone habang nakasakay ng public transport.

Pinaghahandaan na rin ng Department of Health (DOH) kung paanong ligtas na maipatutupad ang nasabing distance reduction sa susunod na tatlong araw.

"Nagkakaroon na ng pag-uusap-usap kung paano natin magagawa ito without of course compromising on this physical distance measures that we are saying," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergiere sa mga reporters, Biyernes.

"Whatever will be the outcome of these discussion, we will be informing the media after that.

Sa huling ulat ng DOH noong Huwebes, pumalo na sa 248,947 ang tinatamaan ng nakamamatay na COVID-19 sa Pilipinas. Patay naman na sa ngayon ang nasa 4,066 sa kanila.

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

NOVEL CORONAVIRUS

PUBLIC TRANSPORTATION

SOCIAL DISTANCING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with