Naninira sa MORE Power ‘di namin mga miyembro

MANILA, Philippines — Umalma kahapon ang tunay na mga kasapi ng Koalis-yon Bantay Kuryente Inc. (KBK) laban sa umano’y paggamit sa kanilang grupo upang siraan umano ang distribution utility na More Electric and Power Corp. (More Power).

Kinastigo din ng KBK ang dalawang personalidad na sina Jose Allen Aquino at Ruperto Supena na makailang beses nang humarap sa patawag na virtual conference ng Panay Electric Company (PECO) at nagpapakilalang lehitimong lider ng consumer group at inaakusahan ang More Power na palpak ang operasyon sa Iloilo City.

Ayon sa KBK, peke at kapwa walang koneksyon sa KBK sina Aquino at Supena.

Ayon sa presidente ng KBK na si Halley Alcarde, kung nais nina Aquino at Supena na siraan ang More Power ay gawin nila ito sa kanilang sariling kapasidad at huwag gamitin ang kanilang libong miyembro.

“Not only are they misrepresenting our organization, they are misleading the public in telling the Manila press that their sentiment is the sentiment of the Iloilo consumers. They have used KBK and its identity without permission. We did not give them that mandate. For the record, these two are not in any way connected with the KBK and cannot speak on behalf of our thousand of members,” paliwanag ni Alcarde.

Sinabi ni Alcarde na magsasagawa ng special meeting ang KBK Board of Trustees para magpalabas ng opisyal na paglilinaw sa ERC na hindi sentimyento ng consumer group ang mga isyung ibinibintang laban sa More Power gayundin ay inihahanda na nila ang posibleng kasong ihaharap laban sa dalawa upang hind na tuluyan pang magamit ang kanilang grupo.

“Although we wish not to take sides on the issue bet­ween PECO and More Power. It is our common stand that Iloilo City is far better with More Power, especially as we see day-to-day improvements of the distribution services,” pahayag ni Alcarde.

Ang KBK na rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) ay koalisyon ng ibat ibang organisayon sa Iloilo City kabilang ang Church sector, transport cooperative, teachers and parents association, jeepney and operators association at advocacy group na Bawal ang Korap.

Show comments