Bong Go, suportado paglipat ng hurisdiksyon ng local jails sa BJMP

MANILA, Philippines ? Suportado ni Sen. Christopher “Bong” Go ang Senate Bills 1207, 1100, at 1332 na naglalayong ilipat sa pamamahala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang lahat ng sub-provincial at provincial jails.

Ayon kay Sen. Go, sa pamamagitan ng “unified standard” ng pamamahala sa ating correctional facilities ay magtitiyak ng maayos na  management  sa mga ito.

Sinabi ng senador na kung maibibigay sa BJMP ang hurisdiksyon sa mga nabanggit na kulungan ay magiging madali ang pag-establisa at pagpapatupad ng integrated approach sa jail management,.

Binanggit ni Go ang datos na sa 61 provincial jails sa bansa, may kabuuang bilanggo na 33,000.

At para magtagumpay ang nasabing inisyatiba, kinakailangang kumuha at magsanay ang BJMP ng tinatayang 14,500 karagdagang personnel.

Ang mga nasabing panukala na iniakda nina Senators Ronald dela Rosa, Ramon Revilla at Juan Miguel Zubiri, ay layong gawing uniform at standard ang mga polisiya at patakarang ipatutupad sa local jails.

Maging si Interior Secretary Eduardo M. Año ay suportado ang inisyatiba.

Idiniin ni Go na dapat pa ring tratuhin nang parehas ang mga bilanggo at dapat na aniyang matigil ang mga nakagawian sa mga kulungan.

“All prisoners, mayaman o mahirap, must be treated fairly and equally. Pare-parehas lang dapat. Walang palakasan sa bilangguan,” ani Go.

Show comments