^

Bansa

P10,000 ayuda sa mga nasisante habang lockdown, inihain sa Kamara

Philstar.com
P10,000 ayuda sa mga nasisante habang lockdown, inihain sa Kamara
Naglalakad ang kawaning ito ng Philippine National Police-Special Weapon and Tactics (PNP-SWAT) sa isang palengke habang namimili ang mga maskaradong consumer sa gitna ng COVID-19 quarantine
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tuloy-tuloy dapat ang tulong pinansyal sa mga manggagawa't empleyadong natanggalan ng hanap-buhay sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic lalo na't nasasadlak sa unemployment crisis ang Pilipinas, ayon sa isang militanteng mambabatas ngayong araw.

Lunes nang ihain ng Makabayan Bloc ang House Bill 7590, bagay na planong magbigay ng P10,000 buwanang ayuda sa mga natanggal sa trabaho dahil sa pandemya. Magiging epektibo ito ng dalawang buwan mahigit kung tuluyang magiging batas.

Ayon kay Rep. Ferdinand Gaite (Bayan Muna), kung kayang gastahan ng milyun-milyon ng gobyerno ang mga dambuhalang negosyo, kayang-kaya ring makapagbigay ng direktang financial asistance sa mga jobless ngayon.

"The economy would also benefit from this as it would directly increase consumer spending which is beneficial for [micro, small and medium enterprises] who comprise more than 90% of enterprises and employ more than 60% of Filipinos," wika ni Gaite sa isang pahayag.

"Hindi pwedeng mga malalaking kumpanya lang ang patuloy na binibigyan ng ayuda at kaluwagan sa gitna ng pandemya. Mas kailangan ng manggagawang Pilipino ang kagyat na ayuda. Walang tatangkilik ng produkto o serbisyo nila kung wala namang pambili ang mamamayan."

Bagama't bumaba na ang all-time high unemployment na 17.7% noong Abril patunong 10% noong Hulyo, katumbas pa rin 'yon ng 4.6 milyong Pilipino walang trabaho — mas mataas sa July 2019 jobless rate.

Ang jobless rate na 'yan ay mas mataas pa rin ng 2.2 milyon kumpara sa mga walang trabaho noong July 2019, na nasa 2.4 milyon lang, ayon sa Philippine Statistics Authority noong ika-3 ng Setyembre.

Basahin: 'Record-high': 17.7% kawalang trabaho naitala nitong Abril kasabay ng COVID-19

"Base sa datos, karamihan o 80.8 percent ng mga manggagawa na may trabaho ngunit hindi nakapasok, ang nagpahayag na ang dahilan kaya hindi sila nakapasok sa trabaho ay ang COVID-19 pandemic o Community quarantine," wika ng PSA.

Lugmok pa rin sa isang "technical recession" ang ekonomiya ng Pilipinas, bagay na sinasabing pinakamalala sa kasaysayan ng bansa simula pa noong 1981.

"Kinaya ngang pondohan ang walang saysay na puting buhangin sa Manila Bay for the sake of 'mental health' daw, kayang-kaya sigurong pondohan itong ayuda for the sake of the lives of our workers and their families' overall welfare," dagdag pa ni Gaite.

Tinutukoy niya ang mahigit P350 milyong ginastos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagkuha at pagtatambak ng dinurog na "dolomite" sa pampang ng Manila Bay, bagay na delikado raw sa kalusugan, ayon sa Department of Health (DOH).

Basahin: DOH: Pekeng 'white sand' sa Manila Bay may health risks, sabi ng mga pag-aaral

Una nang dinepensahan ni presidential spokesperson Harry Roque ang "white sand" project na ito sa Manila Bay, na "makakapagpabuti" raw sa mental health ng mga Pilipino — bagay na walang siyentipikong batayan.

Wala pa namang komento ang Palasyo at economic managers hinggil sa bagong panukalang batas ng Makabayan.

Workers hiling din ito

Sinegundahan naman ng ilang nasa sektor ng paggawa ang naturang panukala, sa dahilang malaki raw ang maitutulong nito sa mga walang mapagkakitaan ngayon habang nangamatay ang mga tao sa COVID-19.

"This is a very welcome act from our patriotic and pro-people representatives in Congress. The bill, once enacted into law, will provide very much needed relief to our countrymen now amid the pandemic," ani Elmer Labog, chairperson ng Kilusang Mayo Uno (KMU).

"10,000 pesos is a small amount to be paid by big companies in the Philippines. For micro, small and medium enterprises struggling to sustain themselves amid the pandemic, DOLE must be able to assist them in providing the amount to the workers."

Ilan sa mga inaasahang makikinabang rito ang mga manggagawa sa pribadong sektor, gobyerno, manininda sa kalsada, jeepney driver, manggagawang bukid at mga mangingisda.

Para makuha kung magkano ang eksaktong makukuha ng mga dating nakakapagtrabaho, ia-average ang natanggap nilang sahod/sweldoi sa nagdaang 36 buwan. Kung kulang diyan ang buwang trinabaho nila, ibabase ang average pay sa mga buwang kumakayod sila.

Pupunan naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kulang oras na mas mababa sa P10,000 ang kalabasan sa pagkwekwenta. Kung tuluyan itong maisaabatas, kinakailangang gumugol ng nasa P200 bilyong operational funds para sa cash aid ang Konggreso.

"We think that the budget for intelligence funds in the Office of the President, DILG, DND, and NTF-ELCAC must be rechanneled into funds for this cash aid. You see, we have the money! It is just the misplaced priorities and corruption of this government that is preventing us, workers, from receiving the aid we rightfully deserve," sambit pa ni Labog.

"We request your support. We, the workers who do our best to revive the economy, need your support. In order for us to surmount the economic crisis, we must take care of the workers." — James Relativo

BAYAN MUNA PARTY-LIST

FINANCIAL AID

KILUSANG MAYO UNO

LOCKDOWN

MAKABAYAN BLOC

NOVEL CORONAVIRUS

UNEMPLOYED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with