^

Bansa

MTRCB binira sa planong iregulate ang Netflix

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
MTRCB binira sa planong iregulate ang Netflix
Matatandaang sinabi ni MTRCB Legal Affairs Division chief Jonathan Presquito na dapat i-re­gulate ang mga streaming service platforms tulad ng Netflix at iba pa partikular na sa panahon ng lockdown na maraming tao ang nagsu-subscribe upang may mapagliba­ngan ngayong pandemic.
Pixabay/Stock

MANILA, Philippines — Umani ng batikos ang hirit ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na pakialaman ang mga ipinalalabas ng Netflix at iba pang video streaming service.

Matatandaang sinabi ni MTRCB Legal Affairs Division chief Jonathan Presquito na dapat i-re­gulate ang mga streaming service platforms tulad ng Netflix at iba pa partikular na sa panahon ng lockdown na maraming tao ang nagsu-subscribe upang may mapagliba­ngan ngayong pandemic.

Sinabi naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na kung nais ng MTRCB na maging makabuluhan ang kanilang trabaho sana ang inisip nito ay kung papaano makakatulong sa pag-improve ng industriya dahil napag-iiwanan na ang bansa ng Asian neighbors.

“So paano ang intensiyon na i-regulate ang internet? Noong ginawa ang batas mula nang ibigay ang kapangyarihan sa MTRCB wala pang internet. Hindi ito maaaring i-interpret na sumasaklaw sa ganitong medium. Mukhang mali ang approach ng MTRCB sa larangang ito. Wala sa kaniyang kapangyarihan ang mag-regulate ng internet,” ayon naman sa abogadong si Enrique Dela Cruz.

Ganito rin ang tingin ng abogado at media law expert na si Marichu Lambino.

Duda ng propesor, gusto ng MTRCB na magkaroon ng karagdagang kapangyarihan dahil karamihan ng mga mamamayan ngayon ay nanonood na ng video streaming app sa halip na pumunta sa sinehan dahil sa pandemic. “So nawalan siya ng trabaho. Baka nawalan rin siya ng kita,” ani Lambino.

Nauna nang sinabi ng Netflix na nagkaroon sila ng 16 milyong bagong subscribers sa unang quarter ng 2020, bunsod na rin ng quarantine dahil sa pandemya kung saan nanatili lamang sa kani-kanilang mga bahay ang mga tao.

 

NETFLIX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with