MANILA, Philippines — Buwan na lang ang aabutin at maaaring may bakuna na kontra coronavirus disease (COVID-19), anunsyo ng isang pharmaceutical company sa Estados Unidos, bagay na maaaaring makapagligtas ng buhay ng milyun-milyong katao.
Ayon sa chief executive officer (CEO) ng kumpanyang Pfizer — na kilala sa paggawa ng gamot — nalalapit na ang paglabas ng kanilang late-stage COVID-19 vaccine trial, banggit ng ulat ng CNBC.
"We expect by the end of October, we should have enough... to say whether the product works or not," ayon kay Pfizer CEO Albert Bourla, Biyernes (oras sa Maynila).
Umabot na sa 23,000 volunteers ang lumahok sa phase three trial ng bakuna na nagsimula noong Hulyo. Aniya, plano nilang mahikayat ang nasa 30,000 participants.
Lumalabas na positibo ang mga resulta ng early-stage trial ng bakuna, bagay na kanilang isinapubliko din noong July.
Kung magiging matagumpay, inaasahang makapagsusuplay sila ng 100 milyong doses bago matapos ang 2020 at mahigit-kumulang 1.3 bilyong doses sa katapusan ng 2021.
Lumabas ang statement ng Pfizer matapos iutos ng US Centers for Disease Control and Prevention ang pamimigay ng bakuna sa Nobyembre.
Ikinatuwa naman ni US President Donald Trump ang balitang ito, lalo na't napakabilis ng vaccine development kumpara sa karaniwan.
"Under Operation Warp Speed, we will remain on track to produce a safe and effective vaccine in that record time that we've talked about," wika ng American president sa isang televised speech.
"It will be delivered before the end of the year, but really, it might even be delivered by the end of October."
Pfizer Vaccine could be delivered by the end of October.
— Graeme???? ????????? (@freethought777) September 4, 2020
?????????
Thankyou @pfizer and thankyou @realDonaldTrump for the update ????????? pic.twitter.com/bYopoY1foY
DOH interesado sa bakuna ng Pfizer
Kinumpirma naman ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakipag-usap sila ngayong araw sa Pfizer kaugnay ng bakuna, sa pag-asang makakukuha nito kung epektibo.
"We have a meeting with Pfizer at 1:00 p.m. this afternoon, together with the Office of the President... and [Department of Foreign Affairs]," sagot ni Vergeire sa tanong ng PSN.
"We will know later, pagkatapos ng aming mga meeting kung paano ang magigng arrangements natin."
Siniguro rin ni Vergeire na walang magiging problema sa pagkuha ng bakuna sa Amerika kahit kinakausap din ng Pilipinas and Chinese at Russian vaccine manufacturers — mga bansang karibal ng Estados Unidos sa ilang usaping pulitikal at ekonomiya.
Aniya, pinakamainam ngayon sa lahat ng bansa na makipag-ugnayan sa lahat ng vaccine manufacturers para mabigyan ang kani-kanilang populasyon.
"Alam naman po nila [Pfizer] that we also have an ongoing partnerships with the Government of Russia. The other manufacturers also," dagdag pa ng DOH official.
"Actually, it's complimentary. Halimbawa if Pfizer could offer us this much, and then the Russian Government could offer us this certain percentage of those vaccines, and the other manufactuers... Baka saka-sakaling tumaas 'yung pwede nating mabigyan na members ng population natin."
Agosto nang aprubahan ni Russian President Vladimir Putin ang kanilang "Sputnik V" vaccine, na makapagbibigay daw ng sustainable immunity laban sa COVID-19 — 'yan ay kahit hindi pa tapos ang Phase 3 ng kanilang vaccine trials.
May kaugnayan: Palace: Philippine clinical trials of Russian COVID-19 vaccine to start in October
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na natutuwa siya't inaalok ng bakuna ng Russia at Tsina. Gayunpaman, hindi raw ito magiging libre.
"Bibilhin natin ‘yan. Kaya lang kung mahal, if it is quite expensive then I will ask the—my friend President Putin and President Xi Jinping to give us a credit, parang utang, a credit line but we will pay not in one payment but by installments," sabi ni Digong noong Agosto.