MANILA, Philippines (Updated 1:12 p.m.) — Nasagip na ang isa sa 39 Pilipinong crew members ng ng isang cargo ship sa East China Sea sa kalagitnaan ng Typhoon Maysak, pagkukumpirma ng Japanese coast guard, Miyerkules.
"We were informed by the defense ministry that a person [Filipino] wearing a life jacket was found," sabi ng isang coast guard official sa AFP.
Hindi pa naman klaro ang pagkikilanlan ng nasaklolohang Pilipino, na natagpuan ng isang patrol plane na ipinadala ng defense ministry.
Umabot sa apat na coast guard vessels at mga eroplano ang ipinadala sa lugar upang ipagpatuloy ang isinasagawang search-and-rescue operation.
Ang Pinoy na ito ay kasama sa 43 kataong lulan ng barkong Gulf Livestock 1, na nagbigay ng alarm signal habang nasa 185 kilometro kanluran ng Amani Oshina island ng Japan.
Bukod sa mga nasabing Pilipino, nakasakay din noon sa Gulf Livestock 1 ang dalawang New Zealander, isang Australyano't Singaporean.
Pinaniniwalaang papunta sana ng Chinese port ng Tangshan ang barko, na nanggaling sa Napier, New Zealand.
"We are coordinating with Japan Coast Guard on this. No additional details as of this time," sabi ni Philippine Embassy Deputy Chief of Mission Robespierre Bolivar sa isang pahayag.
"We are praying for their safety, too."
Sinasabing may dala ring 5,800 baka ang nasabing cargo vessel. — James Relativo at may mga ulat mula sa AFP