^

Bansa

Pinoy na nawala sa East China Sea nasagip; 38 iba pang kababayan hinahanap pa

Philstar.com
Pinoy na nawala sa East China Sea nasagip; 38 iba pang kababayan hinahanap pa
Makikitang sinasagip ng Japanese coast guard ang Pilipinong ito, na lumulutang-lutang malapit sa Amami Oshima island, ika-2 ng Setyembre, 2020
Handout / 10th Regional Coast Guard Headquarters / AFP

MANILA, Philippines (Updated 1:12 p.m.) — Nasagip na ang isa sa 39 Pilipinong crew members ng ng isang cargo ship sa East China Sea sa kalagitnaan ng Typhoon Maysak, pagkukumpirma ng Japanese coast guard, Miyerkules.

"We were informed by the defense ministry that a person [Filipino] wearing a life jacket was found," sabi ng isang coast guard official sa AFP.

Hindi pa naman klaro ang pagkikilanlan ng nasaklolohang Pilipino, na natagpuan ng isang patrol plane na ipinadala ng defense ministry.

Umabot sa apat na coast guard vessels at mga eroplano ang ipinadala sa lugar upang ipagpatuloy ang isinasagawang search-and-rescue operation.

Ang Pinoy na ito ay kasama sa 43 kataong lulan ng barkong Gulf Livestock 1, na nagbigay ng alarm signal habang nasa 185 kilometro kanluran ng Amani Oshina island ng Japan.

Bukod sa mga nasabing Pilipino, nakasakay din noon sa Gulf Livestock 1 ang dalawang New Zealander, isang Australyano't Singaporean.

Pinaniniwalaang papunta sana ng Chinese port ng Tangshan ang barko, na nanggaling sa Napier, New Zealand.

"We are coordinating with Japan Coast Guard on this. No additional details as of this time," sabi ni Philippine Embassy Deputy Chief of Mission Robespierre Bolivar sa isang pahayag.

"We are praying for their safety, too."

Sinasabing may dala ring 5,800 baka ang nasabing cargo vessel. — James Relativo at may mga ulat mula sa AFP

EAST CHINA SEA

FILIPINO SEAFARERS

JAPAN

PHILIPPINE EMBASSY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with