Paglaban sa pandemya ‘wag haluan ng pulitika - Go

MANILA, Philippines — Nanawagan si Sena-tor Christopher “Bong” Go sa kanyang mga kasama sa Senado at sa gobyerno na isantabi ang pulitika sa ginagawang paglaban ng pamahalaan para malagpasan ng sambayanang Filipino ang COVID-19 pandemic.

Bagama’t nauunawa­aan niya ang papel ng oposisyon, sinabi ni Go na hindi sila tumitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtupad sa kanilang trabaho at mandato na pagsilbihan ang mga Filipino sa abot ng kanilang makakaya hanggang sa huling araw ng kanilang termino.

“Sa mga kababayan ko, sana po magtulungan po tayo. Sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo lang po. Kung mag-aaway-away pa po tayo, wala pong mangyayari sa atin,” aniya.

Ayon kay Sen. Go, huwag na muna nating haluan ng pulitika ang pandemya dahil wala na tayong pag-uusapang pulitika kung hindi nalagpasan ang krisis na ito.

Inihayag naman ng senador na iginagalang nito ang mga kapwa mam­babatas sa kabila ng kanilang political affiliation dahil sa kanilang malawak na karanasan sa lehislasyon at public service habang itinuturing nito ang sarili bilang neophyte o baguhan sa political arena.

“In fairness, sa lahat ng opposition senators, kina Sir Frank Drilon, res­petado po ‘yan. Sabi ko nga 22 years na siya, ako neophyte palang, marami kaming matututunan sa kanya… Even Sen. Kiko and Sen. Risa, marami kami matututunan (sa kanila), nirerespeto ko po mga yan.”

Tiniyak ni Go na patuloy si Pangulong Duterte sa paglaban sa corruption, illegal drugs at kriminalidad para payapang mamuhay ang bawat Filipino.

Show comments