Sangley Airport, iba pang Chinese projects sa Pinas tuloy - Malacañang
MANILA, Philippines — Tuloy ang Sangley Airport Development Project at lahat ng proyekto ng China sa Pilipinas, ayon sa Malacañang.
Ipinahiwatig ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi susunod ang Pilipinas sa Amerika na ibina-blacklist ang mga kompanya ng China na may kaugnayan sa pagtatayo ng mga artificial islands sa South China Sea.
Binanggit ni Roque na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na maaaring ipatupad ng Amerika ang blacklisting ng mga kompanya ng China sa kanilang teritoryo at mga base militar na nasa ilalim ng kanilang jurisdiction.
Idinagdag ni Roque na malaya at indipendiyenteng bansa ang Pilipinas na hindi kailangang sumunod sa Amerika.
- Latest