Kaso ng polio sa Pinas tumaas
MANILA, Philippines — Tumaas na sa 25 ang kaso ng polio sa Pilipinas mula nang ma-monitor ang muling pagsulpot nito sa bansa noong Setyembre 2019.
Sinabi ni DOH immunization program manager Dr. Wilda Silva, ang 25 kaso na na-monitor ay hanggang Hunyo 3, 2020 lamang. Nasa 16 sa mga pasyente ay may permanenteng ‘disability’ na.
Ang nalalabing siyam naman ay wala pang ‘disability’ pero natukoy na nagtataglay na ng ‘polyvirus’ sa kanilang katawan.
Ang mga pasyente ay may edad mula isa hanggang siyam na taong gulang.
Ang unang pasyente na nakitaan ng poliovirus noong Setyembre 2019 ay mula sa Lanao Del Sur. Ito ay matapos ang 19 na taon na ‘polio free’ ang Pilipinas.
Upang malabanan ang muling pagkalat ng polio, sinabi ni Silva na pinaiigting nila ngayon ang ‘immunization campaigns’ ng pamahalaan.
- Latest