Manok isama sa COVID-19 aid para iwas oversupply - DA

Sinabi ni Dar na nagkaroon ng mas madaming suplay ng manok nang ang mga “institutional buyers” tulad ng mga restaurants at homegrown fast-food chain ay nagbawas ng operasyon dahil sa ilang buwang lockdown.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hinimok ni Agriculture Secretary William Dar ang pamahalaan na maisama ang produktong manok bilang ayuda ngayong pandemya para maiwasan ang oversupply nito sa bansa.

Sinabi ni Dar na nagkaroon ng mas madaming suplay ng manok nang ang mga “institutional buyers” tulad ng mga restaurants at homegrown fast-food chain ay nagbawas ng operasyon dahil sa ilang buwang lockdown.

Ayon kay Dar, kung walang gagawing aksiyon ang pamahalaan hinggil dito, malamang magkaroon ng oversupply ng manok sa loob ng tatlong buwan o bago matapos ang taon.

Sinabi naman ni United Broilers Association Elias Enciong, ang oversupply ay nagdulot ng pagbaba ng halaga ng manok na mula P70 farm gate price ay umaabot na lamang sa P50.

Dahil dito kaya sobrang pagkalugi ang kakaharapin ng poultry business sector.

Dulot nito, sinabi ni Dar na upang matulungan ang patuloy na pagkalugi ng mga broilers, nakikipag-usap siya ngayon sa kanilang grupo at sa DSWD para maisama ang manok sa food packs para sa mga indigent families.

Hiniling na rin anya sa labor department na gamitin ang produktong manok sa pagkakaloob ng ayuda sa mga displaced workers.

Una nang giniit ni Enciong sa pamahalaan na bawasan ang pagpapasok ng mga imported poultry supplies para hindi na sila makipagkumpetensiya sa local suplay.

Show comments