MANILA, Philippines — Ginamit bilang quarantine facilities para sa COVID-19 patients ang may 28 state universities at colleges (SUCs) dahil hindi naman nagagamit ang naturang mga paaralan para sa face to face classes dahil sa banta ng pandemic.
Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), mula Hunyo, ang SUCs ay nagbigay ng pahintulot na magamit ng LGUs ang kanilang campuses bilang quarantine facilities na kumanlong sa 20,000 locally-stranded individuals, asymptomatic patients at suspected COVID-19 cases.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera, tuluy-tuloy ang paggamit sa SUCs bilang quarantine facilities hangga’t kailangan ng LGUs ang pasilidad ng state universities.