Edad sa statutory rape itataas sa 16-anyos

MANILA, Philippines — Inaprubahan kaha­pon sa joint panel ng Kamara na itaas ang edad sa kasong statutory rape mula sa dating 12-anyos ay gagawin na itong 16 taong gulang.

Sa virtual hearing ng House Committees on Revision of Laws and on Welfare and Children ay nakapasa na ang subs­titute measures matapos na pag-isahin ang 10 naka­binbing mga panukalang batas hinggil sa edad na dapat masaklaw sa statutory rape.

Ayon kay Tingog Sinirangan Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez, isa sa may-akda, sinumang nakatatanda na magkaroon ng sexual intercourse sa isang menor de edad na 16-anyos pababa ay ikokonsiderang guilty sa kasong rape kahit na  napapayag pa ang biktima.

Samantala, ang mga sexual activities sa si­numang 18-anyos pababa ay maikokonsidera ring bahagi ng child abuse at exploitation.

Idinagdag pa ni Romualdez na ang kasalu-kuyang edad ng mga biktima ng statutory rape sa Pilipinas ay hindi tumatalima o naayon sa international average base sa 2015 report ng United Nations International Children’s Fund East Asia at maging sa Pacific Region.

Show comments