MANILA, Philippines — Tukoy na ng Philippine Army (PA) ang dalawang babaeng suicide bomber sa Jolo, Sulu noong Lunes na ikinasawi ng 14 katao at pagkasugat ng 72 iba pa.
Sa report na tinang-gap ni PA commander, Lt. Gen. Cirilito Sobejana, nakilala ang mga ito sa alyas Nanah na tubong Basilan at “Inda Nay” na residente ng Sulu na na-relocate sa Tawi-Tawi.
Aniya, si “Nanah” ay asawa ng unang kumpirmadong Pinoy suicide bomber na si Norman Lasuca na nagsagawa ng pag-atake laban sa 1st Brigade Combat Team sa Sulu noong Hunyo 28, 2019 na nag-iwan ng pi-tong nasawi at 12 sugatan.
Habang si “Inda Nay” naman ay balo ni Islamic State conduit Abu Talha na napatay sa engkuwentro ng 1st Scout Ranger Battalion noong Nobyembre 2019.
Lumilitaw na ang da-lawa ay ang target noon ng mga sundalong napatay ng mga pulis-Jolo noong Hunyo 29.