MANILA, Philippines — Pumanaw na si dating Lingayen-Dagupan Archbi-shop Oscar Cruz dahil sa karamdaman habang naka-ratay sa isang pagamutan sa San Juan City.
Inihayag ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na namayapa si Cruz, 85, dakong alas-6:45 ng umaga sa loob ng Cardinal Santos Hospital dahil sa “lingering illness”.
Si Cruz ay nagsilbi ring pinuno ng CBCP bago magretiro noong 2009. Sa kabila nito, patuloy na nagbibigay ng kaniyang pahayag si Cruz ukol sa mga isyu sa politika at relihiyon sa bansa.
Siya ang kauna-unahang Pilipinong rector ng San Carlos Seminary ng Archdiocese of Manila mula 1973 hanggang 1978, nagsilbing auxiliary bishop ng Maynila, archbishop ng San Fernando, bago naging archbishop ng Lingayen-Dagupan noong 1991.