^

Bansa

Bong Go sa PSA: Tiyakin ang tagumpay ng national ID system

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinaalala ni Sen. Christopher “Bong” Go sa Philippine Statistics Authority na tiyakin ang matagumpay na implementasyon ng Philippine Identification System (PhilSys) na siyang susi o mabisang sangkap upang masugpo ang mga maanomalyang transak­syon at serbisyo sa gob­yerno.

Ayo kay Go, matagal na dapat naipatupad ang national ID system lalo’t natuklasan ang mga problema sa pagbibigay ng serbisyo sa taongbayan ngayong may pandemya.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11055 noong August 2018 na naglala­yong lumikha ng PhilSys Registry, isang integrated at efficient ID system na pagsasama-samahin ang kasalukuyang government-initiated ID systems.

Batay sa batas, ang bawat citizen at resident alien ay magkakaroon ng unique at perma­nente nang identification number na magsisilbing standard number sa lahat ng ahensiya ng gobyerno. Sa pamamagitan nito, hindi na kakailanganin pa ng isang indibidwal ng iba’t ibang porma ng identification.

Naniniwala si  Go na ang lumalawak na paggamit ng mga sopistikadong teknolohiya at bagong paraan sa pagpoproseso ng mga datos ay makapagbibigay ng solusyon sa pagpapabuti ng serbisyo sa publiko, maayos na pamamahala at mababawasan ang katiwalian o red tape.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with