^

Bansa

Duterte sa 'revolutionary government': Wala akong pakialam diyan

James Relativo - Philstar.com
Duterte sa 'revolutionary government': Wala akong pakialam diyan
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa talumpating inere Martes nang umaga, ika-25 ng Agosto 2020
Video grab mula sa Facebook account ng RTVM

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman siya sa panawagang "revolutionary government" ngayon ng ilang grupo upang pabilisin ang proseso ng pagbabago ng Saligang Batas.

Hinihikayat kasi ngayon ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) si Digong na pangunahan ang isang rebolusyonaryong gobyerno para papaspasan ang pagpapatupad ng pederalismo sa Pilipinas.

"May naglalabas, revolutionary government tapos ako ang sinasabi na... Wala akong pakialam diyan," banggit ng presidente sa talumpating inere ngayong Martes.

"Wala akong kilala sa mga tao na 'yan. At hindi ko 'yan trabaho."

Kumusta Po Mahal Kong Kababayan? | Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19

President Rodrigo Roa Duterte presides over a meeting with several Cabinet members to discuss the most recent developments on the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) crisis in the Philippines and the government’s efforts in alleviating the effects caused by the pandemic. The President gives his assurance that government shall observe transparency in accounting for all the funds being used for COVID-19 response and directs all concerned agencies to report on their respective offices’ disbursements. As the nation continues to battle the health and economic challenges brought upon by the COVID-19, President Duterte imparts to his ‘kababayans’ that winning the war against the virus can be achieved through a collective resolve to stay healthy and to ensure that other people remain safe as well. #HealAsOne #2020DuterteVision #DuterteLegacy #ComfortableLifeForAll #PartnerForChange

Posted by Radio Television Malacañang - RTVM on Monday, August 24, 2020

Matatandaang nang maging malamig na sa pagbabagong federal si Digong noong Hunyo 2019, kahit na isa ito sa mga matagal na niyang kinakampanya habang tumatakbo sa pagkapangulo. Aniya, baka raw kasi hindi naman ito suportahan ng taumbayan.

Linggo nang dumistansya ang Malacañang sa panawagan ng 300 MRRD-NECC members na sa Clark, Pampanga noong Sabado at sinabing abala ang administrasyong Duterte sa pagtugon sa banta ng coronavirus disease (COVID-19), bagay na pumatay na sa lagpas 3,000 katao.

Gayunpaman, malaya naman daw ang grupong ipahiwatig ang kanilang nais — kahit na naghihigpit ang pamahalaan sa ibang naglulunsad ng mass gatherings sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Una na ring binanatan ng ilang senador at mga lider ng Simbahang Katoliko ang nasabing maniobra, at tinawag itong "imoral" dahil mas importanteng tugunan daw muna pandemya kumpara sa "pagpapalubog sa bangka ng gobyerno.

Aminado naman si Philippine National Police (PNP) chief Police Gen. Archie Gamboa na inimbitahan siya ng MRRD-NECC sa nangyaring pagtitipon, ngunit nanindigan silang hindi nila susuportahan ang nasabing panawagan.

Iligal? Unconstitutional?

Pinaiimbestigahan naman na ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang naturang grupo, lalo na't labag aniya sa batas ang kanilang pinagggagawa.

"Of course, it is illegal and unconstitutional. As I said we have a popularly elected President that still enjoys about 80 percent approval rating," sambit ni Lorenzana.

Sa panayam ng The STAR kay Francisco Buan, tagapagsalita ng MMRI-NECC, sinabi ng grupo na hindi maaaring tawaging sedisyon ang kanilang panawagan.

Aniya, "seditious" lang ang isyang gawi kung manggugulo na gamit ng indimidation ng publiko ang mga tao para maabot ang isang layunin.

"We are not involved in any uprising but in a peaceful non-violence and arm-less mission, and we are not rising publicly in a tumultuous manner. Neither are we doing anything by force nor intimidation, sambit ni Buan.

Aniya, kulang na raw kasi ang nalalabing panahon upang makapagtulak pa ng charter change sa pamamagitan ng mga nakagawiang pamamaraan ng constitutional convention (con-con) o constitutional assembly (con-ass).

Ganyan din naman ang pananaw ni Roque sa panawagan ng grupo bilang isang abogado, lalo na't wala naman daw "clear and present danger" na lumalalabas sa kanilang mga pahayag. Dahil diyan, maikokonsidera raw itong "protected speech."

Related video:

FEDERALISM

REVOLUTIONARY GOVERNMENT

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with