^

Bansa

Problema sa kuryente noon sa Iloilo City nakaapekto sa investors

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aminado ang isang influential leaders group mula sa Iloilo City na naging malaking factor sa mabagal noon na pag-angat ng ekonomiya ng siyudad ang malaking naging problema sa kawalan ng stable na supply ng kuryente sa loob ng maraming taon.

Ayon sa Iloilo Economic Development Foundation (ILEDF), isang grupo ng mga negosyante mula sa go­vernment at private sector, bagama’t nagkaroon ng mga improvements ang Panay Electric Company(PECO) sa kanilang distribution system para mapabuti ang serbisyo mula sa pagitan ng taong 2010 hanggang 2016 ay hindi naman ito nakasapat at nakatugon sa malaking demand na ng lalawigan.

Paliwanag ni ILEDF President Francis Gentoral, isa ang pagkakaroon ng maayos na utilities sa sukatan ng mga investors bago mamuhunan, kaya naman kumpiyansa sila sa naging pagtakeover ng More Eletric and Power Corp. (More Power) sa PECO dahil na rin sa target nitong magkaroon ng world class electricity service sa Iloilo City.

Giit ni Gentoral, ito ang kanilang hinihintay dahil ito ang magbibigay daan para magbukas ng mga bagong invesments na tutulong sa tuluy-tuloy nang pag-angat ng ekonomiya ng lalawigan.

Hinikayat ni Gentoral ang mga Ilonggo na suportahan ang More Power dahil na rin sa nakikita nila ang mga pagbabagong ipinatutupad nito sa kabuuan ng power system ng Iloilo City, pangunahin na ang paglalagak ng malaking puhunan na aabot sa P1.8-B para sa modernization program.

Anya, ang More Power bilang power supplier, ay may financial capability at mga investments para sa infrastracture, systems technology at human resources na siyang kailangan ng Iloilo City bilang isang fast-growing Metropolis.

Kaugnay naman sa nakabinbin na petisyon ng PECO sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa legalidad ng naging pagtakeover ng More Power, sinabi ni Gentoral na umaasa silang hindi na hahadlangan ng dating distribution utility ang pag-unlad ng Iloilo City.

ILOILO CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with