15 pulis na, patay sa COVID-19
MANILA, Philippines — Pumalo na sa 3,220 ang COVID-19 cases sa Philippine National Police matapos makapagtala ng 67 bagong kaso ng mga na-infect sa virus.
Ayon kay PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, 15 na ang death toll ng COVID sa PNP matapos na isa pa ang masawi.
Naitala naman sa 766 ang mga probable case habang 2,679 ang mga suspected at 2,354 mga pulis ang nakarekober.
Inihayag ni Banac na sa 67 panibagong kaso ng COVID, tatlo rito ay mula sa National Administrative Support Unit, 21 mula sa National Operation Support Unit ng National Headquarters, 12 mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Kabilang din dito ang 26 sa Police Regional Office (PRO) IV 1, dalawa sa Police Regional Office (PRO) 6, isa sa Police Regional Office (PRO) 7 at isa sa PRO Cordillera.
Nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19.
Karamihan sa mga pulis na tinamaan ng virus ay mga asymptomatic o walang nararamdamang anumang sintomas.
- Latest