MANILA, Philippines — Hindi na nakapagtimpi si Sen. Panfilo Lacson nang mapag-alamang tinatawag na "probinsya ng Tsina" ng ilang beauty products ang kabisera ng Pilipinas na Maynila — habang tila pinatututsadahan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kumalat kasi kamakailan ang ilang litrato ng "Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair," kung saan tinutukoy na probinsya ng People's Republic of China ang manufacturing address nito sa San Nicolas, Maynila.
Natagpuan ang mga nasabing produkto ng Elegant Fumes Beauty Products Inc. sa apat na tindahan kahapon sa Divisoria Mall sa Binondo, bagay na agad ipinasara ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso.
Basahin: Hair product gusto i-ban nang tawaging 'probinsya ng Tsina' ang Maynila
May kinalaman: 4 negosyong nagpakilala sa Maynila bilang 'province of China' ipinasara ni Mayor Isko
"Why don’t we gas up our jet ski boats and all together ram that g*ddamn beauty product company which tagged Manila as a province of China, starting from Manila Bay all the way to Binondo Estero?" ani Lacson.
"Better if the owners are inside."
Why don’t we gas up our jet ski boats and all together ram that goddamn beauty product company which tagged Manila as a province of China, starting from Manila Bay all the way to Binondo Estero? Better if the owners are inside.
— PING LACSON (@iampinglacson) August 21, 2020
Tinukoy na ni Manila mayor ang dalawang Tsinong incorporators ng mga ipinasarang tindahang nagbebenta nito bilang sina Shi Zhong Xing at Shi Li Li, na pawang kanyang ipinade-deport sa Bureau of Immigration at pinaiimbestigahan sa National Bureau of Investigation.
Lumabag din daw ang kumpanya sa Consumer Act of the Philippines and Food and Drug Administration Act of 2009, lalo na't nagbebenta raw sila ng produkto online nang walang permit.
"[T]he above-cited information in the packaging of Ashley Keratin is an affront to the sovereignty of the Philippines and an insult to its duly constitute authorities," ani Domagoso.
"In view of the foregoing, we are requesting that an investigation be conducted on the business operations of EFBPI and if warranted, cause the filing of criminal complaints against the corporation and its officers and/or incorporator."
Patuloy ng alkalde, hindi dapat hayaan ang mga banyaga na bastusin ang bansa at ang Pilipinas.
Parinig kay Duterte?
Ang tweet ni Lacson sa itaas ay tila pasaring kay Duterte, nang mangako siyang sasakay ng jet ski patungong West Philippine Sea para maglagay ng watawat ng Pilipinas sa ilang Chinese-occupied islands noong 2016. Noong taong 'yun kasi nang i-award ng Permanent Court of Arbitration ang "sovereign rights" ng area sa Maynila.
Gayunpaman, binawi 'yan ni Duterte noong 2018 at sinabing nagbibiro lang siya: "'Yung sabi kong mag-jetski ako sa China, kalokohan 'yon... Istorya man lang 'yun. Naniwala naman kayo."
Inulit uli ni Duterte ang pangangakong mag-jet ski sa noo'y bagong tuklas na Philippine Rise noong parehong taon, bagay na binawi rin niya.
Basahin: 'Jet Ski-dding!' Duterte says campaign comment just a joke
May kinalaman: Duterte backs out of jet ski ride to Benham Rise
Bagama't patuloy ang mga tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea, kilalang nakikipagmabutihan si Duterte kay Chinese President Xi Jinping at tinuturing silang "kaibigan."
Kagabi lang nang sabihin ng Department of Foreign Affairs na naghain sila ng panibagong diplomatic protest laban sa Beijing matapos agawin ng Chinese coast guard ang materyales ng ilang Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal — lugar na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
PH Lodges Diplomatic Protest Against China: https://t.co/bueScbg5uF
— DFA Philippines (@DFAPHL) August 20, 2020
The Department lodged today a diplomatic protest to China over the illegal confiscation by the Chinese Coast Guard of fish aggregating devices (payaos) of Filipino fishermen in Bajo de Masinloc in May. (1/2) pic.twitter.com/SuXXpj560O
"The Philippines also resolutely objected to China’s continuing illicit issuances of radio challenges Philippine aircraft conducting legitimate regular maritime patrols in the West Philippine Sea," dagdag pa ng DFA. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag