MANILA, Philippines — Inalala ni Bise Presidente Leni Robredo ang mga makasaysayang ambag ni Benigno "Ninoy" Aquino Jr. ngayong araw, Biyernes, sa pakikipaglaban para sa kalayaan at demokrasya sa panahong balot sa dilim ng diktadurya ang bansa — bagay na nauulit daw ngayon.
"We remember why he was killed: For speaing truth to power. For believing that we deserve better as a people," wika ni Robredo sa isang pahayag kanina.
"[He was killing f]or hoping, and acting on that hope, and being brave enough to lay down his life for that hope."
Ika-21 ng Agosto taong 1983 nang barilin si Aquino — dating senador — bago umapak sa tarmac ng Manila International Airport matapos magbalik ng Pilipinas mula sa kanyang exile sa Estados Unidos dalawang taon matapos bawiin ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. ang martial law.
Kilalang kritiko ni Marcos, matatandaang inaresto si Aquino noong Setyembre 1972 sa mga diumano'y gawa-gawang kaso ng subersyon at pagpatay.
Naging inspirasyon ang pagkamatay ni Aquino sa malalawakang pag-aalsang bayan, bagay na nagpabuhos sa libu-libo sa kalsada na dumulo sa pagpapatalsik kay Marcos noong 1986. Pumalit bilang presidente ang kanyang misis na si Corazon Aquino. Naging presidente rin ang kanyang anak na si Benigno "Noynoy" Aquino III.
"Today, as we endure yet another dark night, we draw inspiration from Ninoy's story: From his courage, from his steadfast faith in our people, from his heroism," dagdag pa ni Robredo.
"Sa halip na matakot, lalo tayong tumapang. Sa halip na sumuko, nagkaisa tayo at tumindig."
Ito ang mensahe ni Vice President Leni Robredo kasabay ng 37th death anniversary ni Ninoy Aquino.
FULL STATEMENT: https://t.co/rqDHZW0f9D pic.twitter.com/oqzpQKdsVG— News5 (@News5PH) August 20, 2020
Aniya, nakita sa kasaysayan kung paano pinagbuklod ni Ninoy ang mga Pilipino sa panahon ng "pananamantala, paghihirap at krisis." Ang sistemang kaya raw pumatay ng isa ay kaya ring pumatay sa lahat.
Sinasabi itong lahat ni Robredo habang nanunungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte, na kanyang nababatikos para sa madugong gera kontra droga, pagtugon sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic at pagdedeklara rin ng martial law sa Mindanao.
Duterte: Gayahin si Ninoy
Bagama't aminadong hanga siya sa Martial Law ni Marcos, sinabi naman ni Duterte ngayong araw na dapat gayahin ang "tapang at patriyotismo" ni Aquino sa panahon ng COVID-19 pandemic.
"Today, we honor the late Senator Benigno 'Ninoy' Aquino. Jr., whose life, work and impact on governance have uplifted the lives of many, especially the oppressed and marginalized," wika ni Digong sa isang pahayag na inilabas ng Malacañang.
"As this important occassion is remembered during this time that we are facing a global public health crisis, may we emulate Ninoy's courage and patriotism so we may all be heroes through acts of discipline, goodwill and social responsibility."
READ: Statement of President Rodrigo Roa Duterte on the commemoration of Ninoy Aquino Day#workingPCOO pic.twitter.com/MlbQ4lakMZ
— PCOO Global Media Affairs (@pcooglobalmedia) August 21, 2020
Nananawagan din ngayon ang pangulo na makipagtulungan sa pamahalaan para mapanatiling ligtas ang kani-kanilang mga pamilya't komunidad habang talamak ang nakamamatay na virus.
Bukod pa riyan, sana raw ay ipamahagi ng mga Pilipino ang kani-kanilang rekurso sa kapwa na nangangailangan sa panahon ng kagipitan.
Matatandaang inendorso ni Duterte ang kandidatura ni Sen. Imee Marcos, anak ng dating diktador na si Marcos, noong katatapos lang na 2019 midterm elections. — may mga ulat mula sa News5