MANILA, Philippines — Namumuo ngayon ang isang panibagong bagyo sa bandang hilagangsilangang bahagi ng Pilipinas at posibleng maging tropical depression pinakamaaga mamaya, ika-21 ng Agosto.
Sa pinakahuling update ng state weather bureau kaninang 4:00 a.m., namataan ang nasabing low pressure area (LPA) 210 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.
"Nananatili pong mataas ang tiyansa na maging isang mahinang bagyo... ang nasabing LPA pagsapit po ng either mamaya o bukas at bibigyan ito ng pangalang 'Igme,' o 'yung pang-siyam na bagyo ngayong 2020," ani Benison Estareja, weather specialist ng PAGASA.
"Inaasahan po na dahan-dahan itong magno-northward patungo dito sa silangan ng Babuyan Islands pagsapit po [ngayong] umaga at tanghali, at sa hapon hanggang sa gabi ay aakyat pa muli ito hanggang sa silangan ng Batanes."
Public Weather Forecast Issued at 4:00 AM August 21, 2020 DOST-PAGASA Weather Specialist: Benison EstarejaPublic Weather Forecast Issued at 4:00 AM August 21, 2020 DOST-PAGASA Weather Specialist: Benison Estareja
Posted by Dost_pagasa on Thursday, August 20, 2020
Mananatili sa PAR ang LPA hanggang Sunday kung saan posibleng magpalakas ito ang Hanging Habagat kahit hindi na ito nakaaapektong direkta sa bansa.
Umiiral pa rin tayong kasi ang southwest monsoon sa malaking bahagi ng Luzon, bagay na maaaring magpaulan lalo na sa kanlurang bahagi ng Pilipinas. — James Relativo