^

Bansa

Hair product gusto i-ban nang tawaging 'probinsya ng Tsina' ang Maynila

James Relativo - Philstar.com
Hair product gusto i-ban nang tawaging 'probinsya ng Tsina' ang Maynila
Litrato ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles habang hawak ang sample ng "Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair," na nagsasabing probinsya ng Tsina ang Maynila
ONE News

MANILA, Philippines — Ipinatitigil ng isang mambabatas ang distribusyon ng isang produktong pampaganda matapos nitong maling tawaging bahagi ng People's Republic of China (PRC) ang kabisera ng Pilipinas sa label nito.

Kumakalat ngayon sa social media ang mga litrato ng "Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair," bagay na nagpainit sa ulo ng mga Pinoy gayong inaangkin ng Tsina ang ilang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

Kung titignan nang maigi ang manufacturing address ng produkto, mababasang nakaimprenta ang sumusunod: "707 Sto. Cristo St. San Nicolas, Manila Province, P.R. China. MADE IN P.R.C."

Dahil diyan, sinulatan na ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles si Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez para parusahan ang Tsinong manufacturer.

"Any act to undermine our sovereignty must be taken seriously," ani Nograles sa isang liham na pinetsahang ika-19 ng Agosto.

"It is in this light that we respectfully ask your office to immediately ask your Office to immediately investigate this detestable and repulsive offense against our nation, and, if legally justified, prohibit the cointinued distribution of these products in our country."

Batay sa mga impormasyong nakalap ng tanggapan nina Nograles, taong 2018 pa minanupaktura ang produkto at patuloy pa ring inilalako sa buong Pilipinas.

"Succeeding batches of this product already omitted the declaration, but the offense remains the same," patuloy ng mambabatas. 

Matatandaang nagbiro si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018 na probinsya ng Tsina ang Pilipinas, habang kaharap mismo si Chinese Ambassador Zhao Jianhua. Kilalang matalik na kaibigan ni Digong si Chinese President Xi Jingping kahit na nag-aagawan ng teritoryo sa South China Sea ang dalawang bansa.

May kaugnayan: Banners welcome visitors to 'Philippines, province of China'

Sigalot at agawan

Bagama't nai-award na ng Permanent Court of Arbitration sa Pilipinas ang sovereign rights, o karapatan sa mga likas-yaman, ng West Philippine Sea taong 2016, ayaw paawat ng Beijing sa pag-angkin sa bahagi na ito ng South China Sea.

Basahin: The verdict: Philippines wins arbitration case vs China

May kaugnayan: China rejects 'unjustifed' US policy on South China Sea 

Hanggang sa ngayon, okupado at tinatayuan ng Tsina ng mga istruktura ang iba't ibang bahura at isla na inaangkin ng Pilipinas, gaya ng Panganiban, Kagitingan at Subi Reef — mga teritoryong inaangkin ng Pilipinas.

Taong 2019 at 2020 lang din nang mabangga at mapalubog ng mga Tsino ang ilang bangkang sinasakyan ng mga Pinoy mangingisda sa Recto Bank at Mindoro.

BEIJING

CHINA

MANILA

PBA PARTY-LIST

PHILIPPINES

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with