^

Bansa

P24 million napinsala ng lindol sa Masbate

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
P24 million napinsala ng lindol sa Masbate
Nasira rin ang 57 classrooms mula sa 19 public ele­­mentary at high schools sa mga bayan ng Batuan, Cataingan, Cawayan, Dimasalang, Palanas, Placer at Pio V. Curpoz.
AFP/Courtesy of Javee Vallecer

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Umabot na sa halos P24 milyon ang inisyal na pagtaya sa naging pinsala ng 6.6 magnitude na lindol na tumama sa Masbate kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ni dating Major Gen. Claudio Yucot, regional director ng Office of Civil Defense-Bicol, umaabot na sa P23,960,000 ang danyos ng lindol dahil sa pagkasira ng mga government infrastructure gaya ng tulay, kalsada, culvert, pavement, kasama na ang nagibang mga gusali­ ng Cataingan Public Market, Cataingan Police Station, Cata­ingan District Hospital, Cataingan Municipal College­, 3rd DPWH Engineering Office, Dimasalang Port at iba pa.

Nasira rin ang 57 classrooms mula sa 19 public ele­­mentary at high schools sa mga bayan ng Batuan, Cataingan, Cawayan, Dimasalang, Palanas, Placer at Pio V. Curpoz.

Nabatid na may 16 na bahay ang nasira kung saan 14 ang totally damaged.

Dahil sa lakas ng pagyanig, nagkaroon ng sinkhole malapit sa baybayin ng Brgy. Kasabangan ng Pio V. Curpoz­ habang nagkaroon ng landslide sa Brgy. Bogtong. Lahat ito ay nakatakdang tingnan at i-assess ng Philippine Volcanology and Seismology at Mines and GeoSciences Bureau.

Maliban sa dalawang naitalang patay, umabot sa 48 ka­­tao ang mga nasugatan mula sa iba’t ibang bayan.

EARTHQUAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with