^

Bansa

May violation sa kalsada? '10-year valid license' hindi mo na makukuha — LTO

Philstar.com
May violation sa kalsada? '10-year valid license' hindi mo na makukuha — LTO
Kuha ng isang tanggapan ng Land Transportation Office (LTO)
Philstar.com/Irish Lising, File

MANILA, Philippines — Magsisimula nang lumabas ng mga panibagong driver's license ang Land Transportation Office (LTO) simula Oktubre 2021. Pero para sa mga taong may traffic violation, disqualified ka nang makakuha nito.

"Kahit single demerit point, that can be considered na hindi ka makaka-avail ng 10-year valid license," ayon kay Edgar Galvante, hepe ng LTO, sa isang virtual briefing ngayong ika-19 ng Agosto.

Aniya, wala raw dapat demerit points ni isa.

LIVE: The Department of Transportation (DOTr) and its attached agencies under the railways and road sectors hold a...

Posted by Land Transportation Office-Philippines on Tuesday, August 18, 2020

Nanggaling ang mga nasabing "demerit" system nang ipatupad ang Republic Act 10930, bagay na nagpapahaba sa validity ng driver's license.

Sa implementing rules and regulations (IRR) ng R.A. 10930, lumalabas ang mga sumusunod na mga dami ng demerit depende sa lala ng violation:

  • grave violations (5 demerit points)
  • less grave violations (3 demerit points)
  • light violation (1 demerit points)

Lumalabas kasi na 40 demerit points ang limit para sa isang tao para tuluyang ma-revoke ang kanyang lisensya.

"[I]t shall be revoked immediately without need for any proceeding for a perid of two (2) years reckoned from the date of settlement of fines and penalties," sabi ng IRR. — James Relativo

vuukle comment

DRIVER'S LICENSE

EDGAR GALVANTE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with