6.6 magnitude na lindol sa Masbate, 1 patay
MANILA, Philippines — Patay ang isang retiradong pulis habang sugatan ang isa pa matapos ang naganap na magnitude 6.6 na lindol sa lalawigan ng Masbate kahapon ng umaga.
Sa ulat ng PNP-Masbate, nakilala ang nasawi na si Gilbert Sauro, retired police colonel at residente ng Sitio Alimango, Brgy Concepcion, Cataingan, Masbate habang ang nasugatan ay kinilalang si Ronalyn Condrillon, ng Poblacion, Cataingan, Masbate.
Sa initial assessment ng PNP Masbate, may mga gusali ang nasira partikular ang Public Attorneys Office, Old at New Cataingan Public Market, maging ang gusali ng Cataingan Municipal Police Station.
Nasira rin ang mga concrete road at docking area ng Cataingan Port at mga residential house ng mga biktima.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naramdaman ang lindol alas-8:30 ng umaga.
Mahigit na sa 10 aftershocks ang naitala at inaasahan pa ang mga karagdagang aftershocks kaya pinag-iingat ang mga apektadong residente.
Sa ngayon nagsasagawa ng search and retrieval operation ang mga tauhan ng PNP Masbate sa Masbate Province. — Angie dela Cruz, Jorge Hallare
- Latest